“Lucy! Haha... alis tayo.. game? Di mo ako nirereplayan sa celpon mo para san pa yan!” sigaw ni Pauline habang nag prapractis ng arnis.
“...san ba? e kasi mag-babasa pa ako para sa physics natin. Long test kaya...” kapraktis niya si Pauline sa arnis.
Bigalang sumingit si Cecil sa usapan at tinabla ang arnis na hawak nila pol at luc
“Basta kami bahala sayo, kami na ang magddrive kay Greenie...”
“...wag na ibubunggo niyo lang si greenie.. bagong pintura kaya yun... tska mag babasketball ako mamaya...”
“wag ka na muna mag basketball, corny much mo! At sino kalaro mo? Si casper?!?! Tska Grabe kanaman marunong ako mag dlayb noh!”
Nagtinginan si Pauline at Cecil ng matagal na para bang me gagaweng kalokohan. Para silang nakahit hit ng marijuana, nakainom ng 100 grandmatador at napoleon. Samahan mo na ng kropek para sa pulutan.
Ayoko nga sumama. Anu bang gagawen. DETAILED KASI mga tsong....
Pagkaraan ng ilang oras, matapos ang kanilang P.E., dali daling dumeretso si Luc sa locker room para maligo. Bumili pa siya ng sabon at shampoo sa bookstore. Pagkatapos maligo, kinapa ni Lucy ang bulsa ng kanyang bag.
Juskooo,, asan ang susi ni greenie... patay ako.. patay.. walang tao sa bahay sinong magdadala ng susi ko! Asa Singapore si mom at dad. Patay patay..
Dali daling tumakbo si Lucy sa Lost and found booth. Pero ang sabi ng studyante sa Lost and found booth wala naman daw nagsusurender ng susi.
Patay ka talaga.. wala.. mag tataxi nalang ako pauwe.. shit...
Pagkatalikod niya, ayun si greenie, ang napaka kintab na mazda 3... 323...
Patay kayo sakin.. halos namuti na mga mata ko! Grrr..
Dali daling sumakay si Lucy sa kanyang sasakyan. Biglang tumakbo ng napakatulin ang sasakyan, si Pauline ang nag dridrive, si Pauline na walang dalang lisensya.
“.. ano ba kayo.. halos mahimatay na ako kakahanap sa susi ko!...Pol.. wala ka kayang lisensya!...” pasigaw na sinabi ni Lucy kela Cecil at Pauline.
“Chillaaax ka lang... sumisigaw ka na ngayon? Haha... mag LALAKWATCHA TAYOOOOOOOO!!!!!” pa cool na sinabi ni Pauline.
“....san ba tayo pupunta?....”
“Jan lang...sat ap!” sabi ni Ces.
No comments:
Post a Comment