Ang first class. 7:30 ng umaga, Wednesday
“Good Morning Class! My name is Sir Roger Pho, Half Chinese, I am also a graduate of this Institution, and you can call me Sir Roj or Sir Pipo.”
“Hi sirrr Pipo!” maligaya siyang binati ng isang studyanteng me kagandahan ngunit mataba.
“Good morning... Bawal malate sa klase ko, ang malate kakanta or sasayaw, bawal ang malungkot sa klase ko, bawal ang nakasimangot.” Napatingen si Si Sir Roger kay Miss Castaneda.
Malabo ba mata neto, bakit nakatingen sakin to. Anung gusto niya palabasin ngumiti ako?
“Class, I forgot to tell you, I’m GAY...It means I’am HAPPY!”
Lahat ng studyante ni Sir Pipo ay nagtawanan, maliban sa mga higher batch sa likod. Ang mga irreg(Irregular). Sa likod doon nagkumpulan ang mga lesbiana. Mga hindi na tuwa sa unang hirit niya.
Loko to ah, matapos akong tignan sasabihin bakla daw siya. Ang rude. Sigurado ba siyang tomboy ako. Hindi ako irreg. late lang. ok ok!
Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala ng bawat estudyante sa klase ni Sir Pipo. Malagkit kung makatingen si Sir Pipo sa magaganda, to be specific mahilig siya sa maputing maganda.
Nung nagpakilala si Lucy, ito’y ngumiti lang na parang natagpuan niya ang kanyang hinahanap. Makalipas ang ilang oras nagsimula nang mag klase si Mr. Pho.
“Class, ilan ang population ng buong pilipinas” sigaw ni Propesor Roger Pho.
Alam ko na yan, jusko naman itong propesor na to. 85 Billion. Bakit niya ako tinitignan, imposibleng type niya ako, hala, baka bading talaga siya.
“Chini?” tanong niya.
“seeer?” sagot ni Chini. Hindi niya nasagot dahil halatang mahina ang utak ngunit talagang maganda ang binibini.
Wala, walang nakasagot.
Kahit si Luc na Valedictorian nung High School ay hindi interesadong sumali sa recitation dahil sa pagka badtrip sa joke niyang “gay” daw siya(sir pipo).
Ay nako, ke aga agapag papacute ang ginagawa. Pero kahit nababanas ako sa klaseng ito, basta, e kelangan ko itong pasukan dahil overload ko lang ito, pag nabagsak ko ito, lagot ako, di ako makakagraduate, nakakahiya naman kung magsusummer ako dahil dito okaya maging octoberian ako dahil sa Philippine Constitution Class lang, minor lang to. Sus.
“Luc, tinitignan ka niya, sagot ka kaya...” Cecil ang kaibigan niyang halatang tomboy kung kumilos.
“Ha?...” napatingen sa gulat si Lucy kay Cecil.
Dahil me pagka binge si Lucy dahil sa kahiligan sa headset or pag gamit ng Ipod. Ito ang unang beses siyang mapag initan ng propesor.
“Miss?...”
Nakatingen si Lucilla kay Pipo, Si Pipo nakatitig kay Lucilla. Hinihintay ulitin ni Lucilla ang tanong.
“Miss?....”
“...Castaneda”
“ok. Miss Castaneda? Ilan ang population ng Pilipinas?” napa tingen si Propesor Roger sa name tag niya at sa makinis na morenang mukha ni Lucilla Castaneda.
“....85 Million.. ay.. 85 Billion” malamig niya binangit ang kanyang sagot.
“Mali, di ka kasi nakikinig, please pay attention in my class, if you don’t like me, get out”
Hala? Ni hindi nga ako nag sasalita! Bakit pinag iinitan niya ako.
Gulat na gulat si Lucy dahil parang kilala siya ni propesor taba at tila parang nababasa ni Propesor Roger ang kanyang naiisip.
Anu ginawa ko? Ke aga aga nakakabadtrip! Di naman kami close!
No comments:
Post a Comment