9/21/11

CHAPTER 3 - Yellow form (Day 145)

Nakasalubong ni Luc ang kanyang kaibigan simula pa noong first year high school siya, si Mitsi, medyo tumaba na ang kanyang kaibigan na animoy hikaen noon. Asa may registrar office sila pumipila para sa pagpapadagdag ng klase or subjects na naiwan.

“Oi VAL! Bakit ka andito? Hahah me bagsak ka ba?” maligalig na inasar ni Mitsi si Luc.

“....VAL? Anu un?....” seryosong sagot ni Luc

“Ay nako Lucilla Castaneda! VAL? Valedictorian!?” siksikan sila doon sa pila ng registrar, buti pinasingit siya ni Mitsi.

“ahh.. noon yon...” tanggi ni Luc.

“Bakit ka nga andito?”

Ang daming tanong oh.. kakairita.. buti pinasingit ako...

“E kasi nga me iniwan akong subject na dapat isusumer ko last year, kasi nagpunta akong Singapore.”

“Ah.. pa-singapore Singapore ka nalang aah! so ano me honors ka ba ulit?”

“ewan ko, wala rin naming saysay kahit mag cum or summa cum pa ako” sabay kindat ni Lucy ke Mitsi.

“hah...., Luc kamusta na? Diba me dinadate ka? si Mary ba yun?” namumulang tinanong ni Mitsi si Luc.

“.........”

“anu?” nanlaki ang mata ni Mitsi, me halong pag ka tuwa na rin.

“.....sino bang magaling na professor sa Phil. Consti?”

“Kunin mo si Sir Pho, nag enjoy ako sakanya nung summer, nakakatawa siya! Cute cute pa... chubby cheese cake!”

“ah... ok.. thank u ah...”

Dumaan ang isang grupo ng nag gagandahang babae, lahat napatingen ke Lucy. Me isang babaeng kinikilig habang dumaraan, mayroon namang dalawang tumatawa at nagtutulakan at ang ang isa ay pinipicturan pa si Lucy. Napansin iyon ni Mitsi, nagselos siya pero wala siyang karapatan mag selos. Bigla siyang dumikit ng todo kay Lucy para tigilan siya ng mga grupo ng babae at para umalis na sila.

“Hindi ka talaga mahilig magsalita no?” nakatingen siya ng deretcho kay Lucy.

Napatungo lang si Lucy kay Mitsi. Simulat sapul hindi talaga maimik si Lucy, pili lang ang mga taong nakakausap niya kahit noong highschool. Hindi siya mahilig mag telepono, hindi siya mahilig mag text. Pero matalino siya, mayaman, mysteryoso, morena at tomboy daw.

No comments:

Post a Comment