9/21/11

CHAPTER 12 - COCHU in the ARMS of anader

...........Caught you in the arms of anotherr.....-Urbandub

SLEX

STA. ROSA EXIT


Si Lucy umalis, pumunta sa Tagaytay mag isa, uminom ng kape sa starbucks, naiyak mag-isa, tulala. Gusto niyang kausapin si Mary pero nangingibabaw ang galit niya. Makalipas ang 3 oras nang pagmumuni muni. Tila me naaaninag siyang babae, naka kulay green.

aba? Small world.. ang paedophile andito kasama ang gf niyang akala ko hindi magkakaboyfriend...

Asan ka! Mag usap tayo. - Mary

CHAPTER 11 - PANAGINIP?

Alas dose ang klase ni Lucy, nagising siya ng alas 9.

Alas 9 na, napanaginapan ko nananamn siya. Bakit di ka mawala sa isip ko.

Lucy! Me sasabihin ako sayo. Importante. –pol

k ppnta n k. –lucy
_____

“anu na problema mo?.. anu ba yon Pol...?”

“Lucilaaa! Pogi mo talaga.. pakiss! diba hindi na kayo nagdadate ni Rose?”

“o baket?.. lam mo tama na yang mga babae, hindi naman NA ako tomboy, ayoko na, masakit din, di na ako umaasa, ayoko na umasa.... ”

“potek bitter, di naming nitatanong, at LUC! sa una lang yan! sa una lang... pag nagtagal 3 na jowa mo..” pasigaw na binangit ni Cecil.

“di kaya ng kunsensya ko ang madaming chix at gerlfren.. so what are u talking about pol?...”

“Luc? Wag ka sana mabibigla”

“alam mo.. pagod ako.. kung mga girls yan.. wag na.. please... pagod ako dahil yang sir pipo na yan me pinapagawa pang lintek na documentary at ang malupet pa dun ako ang pinagiinitan niya e hindi naman ako leader. Naiinis ako kasi siya lang ang propesor na mainit ang dugo saakin! Siya lang!... am i that hideous?!... palagi niya akong pinapahiya!.. taena!... lastly... ayoko na si Rose.. hindi na niya ako kinikibo after siyang kumprontahin ni Mary...”

“LUCY! Shut up, Pipo and Rose are dating...”

“Bastos ka.. wag kang magbibiro ng ganyan.. bastos ka... bastos.. tang ina... bastos... sinong nagsabi niyan?...”

“HUWAAAAAAAT!?” napalakas ang sigaw ni cecil

“Im sorry Luc... madami pa jan.. mas pa kay Rose, yaan mo na un. No bren un si kwan. Basta. Pogy ka namn e.. dami pa jan...”

“....sigurado ka ba??”
“nakita ko sila sa me Percepolis, nag kakantahan... magkayakap sila... luc... kasama pa si Martha... laro nalang tayo basketball!!!”

“ui san ka pupunta???!” pasigaw na nasabi ni Cecil

“yaan mo na siya. Lasingen nalang natin bukas.”

Nagpunta si Luc sa basketball court nag laro mag isa para mabawasan ang sama ng loob. Malungkot dahil hindi niya inakala na gagaguhen siya ni Rose at hindi niya rin inakala na babalik si Mary ng biglaan. Masaya na rin kahit papaano dahil naging masaya siya sa mga araw na nakasama niya sa Rose sa labas.

Chapter 10 - SKANDALO (Day 184)

PAGKATAPOS NG PLAY.....

“paalisin mo siya dito sa auditorium.”

“bakit ko siya papaalisin? E gusto niya manuod. Sino ka ba?”

Hinila ng isang babae si Luc nang nakita niya itong papalabas ng auditorium.

“siya na ba ang ipapalit mo saakin? Siya ba?”

“Mary? Ang tagal mo nang hindi nag pakita? Bakit galit ka?... nanunuod lang ako ng play.. anu meron??.. aray masakit... bitawan mo ko...”

“Anung meron? Ikaw ang problema ko. Mahal pa kita....Bakit?”

“Matagal na tayong hindi naguusap. Matagal nang wala. Wala na. Sorry.. pero wala na kong nararamdaman sayo. Wag ka naman gumawa ng skandalo dito....”

“Were not over Luc...”

Tumalikod si Luc, naglakad ng mabilis tila natusok ng malaking karayom sa ulo. Pag ka alis niya sa likod ng auditorium, dali daling dumeretcho si Luc kay greenie. Umulan ng luha mga mata ni Luc. Akala niya wala na si Mary, Napahiya siya kay Rose. Wala na si Rose, siniraan kasi ni Mary.

Si Mary lang naman ang unang babaeng minahal ni Luc na 3 years ang tanda sa kanya.

CHAPTER 9 - BIGLAANG DATE? (Day 180)

Blag*****

“san moko dadalen?”

Hindi naisara ni Rose ang pintuan ni greenie, dapat pala pinagbuksan ko siya ng pintuan... ikaw walaga LUC!.. hooo... E pang lalake naman un. Di naman ako lalake. Kakairita, nagiingay si greenie na bukas ung door.... ewan...


Inabot ni Lucy ang dala niyang chocolate moose cake kay Rose. Galing pang red ribbon.

“Thank yoouuu..”

“Dito lang sa libis... gutom ka na ba?”

“Hindi pa naman...”

Kinakabahan ako. anu na.


Nakarating sila sa restaurant, umupo sila sa pinaka gilid, nagsandalan sila sa isat isa. Tila parang me nangyayare nang “puppy love”, dumating ang waiter at tinanong ang kanilang mga order.

“Anu gusto mo kainin?...”

“gusto ko itong beef steak”

Aba mahal siya mamili ng food ah. Mag lalasagna ako. hooo! Shake it off Luc
!

“Anung gusto mong drinks?”

“water lang, hindi ako nag sosoda”

“ah talaga?..”

“Ok ka lang ba?”

“oo naman hindi lang kasi ako masalitang tao.... Pasensya na ha, nakailang gf ka na ba?” alam na ni Lucy ang sagot tinitignan niya lang kung magsasabi ng totoo si Rose.

“apat” ngumunguya si Rose ng maganit na beef steak.

Aba, tama. Nagsasabi siya ng totoo....

Natapunan ng tubig ang costumer sa kabilang table, napatayo ang costumer, dinuro duro ang waiter, napa tungo nalang ang waiter.

Kawawa naman ung waiter.

“e ikaw?” nakatingen si Rose sa waiter na sinisigawan.

“I almost... had one, i really like her.. pero she deserves the best.. she’s out of my league na rin kasi.. long story... teka? Nag ka boyfren ka na baa?..”

“ay nako, tinanong mo na kaya sakin yan dati! Wala at wala akong balak mag ka boyfren. Hindi ko talaga maimajin, nuod ka nga ng play naming, doctor ang role ko, best actress ako! haha”

“Cge manunuod ako, ang sarap namn mag pa ospital kung ikaw doctor..”

Hala humihirit na ako.

“waaw! Miss Castaneda! Nag joke ka!...” sabay tapek sa pisngi ni Rose.

Alas 9 ng gabi, sa libis, loob ng restaurant, napangiti si Lucy Castaneda, kampanteng mapapa oo si Rose, naisip niya na baka nga si Rose ang una at huli niyang magiging girlfriend.

Baka nga. Sana nga.

CHAPTER 8 - TEXT MESSAGE (Day 179)

“Alam mo Rose gusto ko talaga si Luc, pero kaibigan kita, cge sayo na.”

“Parang trophy lang si Luc ah, oo, i like her too, ittext ko na siya, makikipag date ako, try ko lang naman kung pwede maging kami, kasi parang nagaalangan siya sakin... Bakit kaya?”

“Nasaktan ata sa una niyang minahal. Me identity crisis pa rin, indenial na tomboy. Edi ba mayroon knang...”

“eee.. hehe basta! Wag na natin pa-usapan un! Ok! Identity crisis! Ganun ba?... cge... salamat Martha.. eto text ko na siya... bukas na lang pala.. hmmm..” abot tenga ang ngiti niya.

CHAPTER 7 - Ang Cellphone (Day 180)

“Luc.... psttt.. anu sagot sa number 8!... LUC!....” pabulong na binulaslas ni Cecil kay Lucy.

Saglit lang tatapusin ko muna ung akin. Saglit lang...

“.........”

Biglang hinila ni Pauline ang papel ni Luc. Nakita ni Miss Tenorio ang gulo sa bandang likod ng klase. Nilapitan niya ang tatlo. Sinigawan sila Cecil at Pauline.

“Miss Castaneda, lumipat ka sa unahan ng row!”

Pagkatapos ng isang mahigit sa isang oras na mahirap na long test. Napakamot si Cecil sa kanyang ulo.

“...ang gulo mo kasi e, sabi nang maghintay ka, ayan pinalipat nanaman ako...”

“wala ka namang sinabi e... bagsak nanaman akoo! Lagot ako kay papa” madramang sigaw ni Cecil..

“nako, baka mag PMA ako ne to ah. Haha. Patext nga Lucyyyyy! Yuhuuu,,” niyapos ni Pauline si Lucy..

“... anu ba.. eto mag text ka na..”

“ui me nagtext sayooo! Sinu yan si ROSE?!?!?” sagot ni Pauline

Lucy! asan ka? –ROSE Villena

“cge alis na muna ako ah.. mya nalang...”

“HOY! San ka pupunta?!?! Patext nga kasi! Nak ng...”

“yaan mo na, mukhang may maiinlab e... heheheheeeee...”

CHAPTER 6 - Anjan siyaaaa?! (Day 174)

“kala mo kung san tayo magpupunta noh...dito lang tayo sa red ribbon... haha.. Tsarap ng cake..” patawang sinabi ni Cecil..

“Expert yata ako magdrive! Vroom!”

Ay nako magpupuyat nanaman ako mamaya kasi mag-aaral pa ako. teka lang.. Anjan siyaaa!?!? si Rose ata ito ah..

“Ui.. ikaw ung kaibigan ni Marta noh?... si.. Luc!” Papalapit na sinabi ni Rose kay Luc.

Napangiti si Luc ng di oras, di niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, nginitian siya ni Rose, kakaiba, parang hindi siya straight. Agad na tumawa si Cecil at Pauline, na para bang sila ang nagmistulang kupido ni Luc at Rose. Umalis ang dalawang kaibigan ni Luc at dala dala pa nila si greenie.

“.. oi san kayo pupunta?...”

“balikan na lang naming ha! Kain kami sa goldilaks.. masarap mag hanap ng pinoy...” maligalig na sinabi ni Pauline

“ballot pinooooy.. bwaha korni”. Pakutyaw na sinabi ni cecil.

Nako hindi ako sanay sa ganito, bakit kasi iniwan pa ako nila pol.. asar... anu na... halaa,,,

Tulad ni Marta, halatang gusto rin ni Rose si Lucy sa katunayan pa nga niyan, madami dami na ring naging girl friend si Rose. Naka apat na girlfriend na si Rose, ayon kay Pauline. Mejo misteryoso rin si Rose sabi naman ni Marta. Binili ni Lucy si Rose ng chocolate mousse cake.

Ewan. Bahala na...

“......Straight ka ba?”

“ha?...”

“..wala... me boy friend ka ba?..”

Tae tae tae tae tae TAE...........................

“hindi ako straight, di ko nga maimagine na magkaka boy friend ako e.”

“..talaga? ako ren e... hehe...” nahihiyang tumawa si Lucy...

“nagpapatawa kaba!? Haha... nag ka girl friend ka na ba?”

“ata...”

“Bakit ata? Anu ginawa mo! haha” binato ni Rose si Lucy ng Chocolate mousse na nanggaling sa kanyang kutsara.

“ui. Haha...joke lang di ko nga maintindihan kung tomboy ako o hindi e..tska demanding ata ako....”

“demanding?! Wala ka ngang kaimik imik! Anu ka ba imbento?! Haha... maganda ka naman ah...”

Ang ganda niya tumawa. bahala na si batman.. nakikipag kaibigan lang naman ata siya..ngayong ko lang naramdaman ito, parang ganto ung naramdaman ko noong high school..Kay Mary... na pinili ang acting career keysa sakin. saklap. eto na.diss is it.

Biglang pinunasan ni Rose ang manantsahang blouse ni Lucy sa may dibdib. Nakalimutan ni Lucy na binato siya ng chocolate mousse ni Rose. Natulala na lang siya, wala siyang paki sa blouse niyang namantsahan, basta ang alam niya sa puntong iyon masaya siya.

“Luc, sorry sa blouse mo....” napasimangot si Rose

“..ha? ayus lang to...”

“anu ba ginagawa mo pag me free time ka? I mean hobbies?”

“...naglalaro ng basketball mag-isa...”

“bakit hindi mo isama sila ces at pol?”

“wag na ung dalawang un.. puro babae atupag... gusto mo laro tayo minsan?...”

Anung hirit naman yan LUCILLAA! AH!!

“hindi ako marunong e. Cge turuan moko next time........... Alam mo ang ganda ng boses mo... kumakanta ka noh?!!!”

“haha.. ako? hindi noh..”

“Ui Luc! Anu ginagawa mo dito? Rose? Andito ka rin pala... ” hinalikan ni Marta si Lucy sa kanyang pisngi na ikinagulat ni Luc.

Sobrang nagulat si Lucy sa ginawa ni Marta sakanya, para bang ibang Marta ang nakita niya. Gulat din si Rose sa ginawa ni Marta, para bang aagawin ni Marta si Lucy papalayo sakanya.

“Anu yang asa blouse mo? Mantsaa! Nag tetext ako sayo ah? Di mo na receive? Alis tayo! Karaoke!” malambing na sinabi ni Marta kay Lucy.

“..Nagtext ka? Ah... cge alis tayo nila Rose...”

Tila nahalata ni Marta ang pagka gusto ni Lucy kay Rose. Nadismaya bigla si Marta at biglang binawe ang pagkakaraoke.

“Rose, lika dito...”

Umalis ang dalawa sa harapan ni Lucy, nag-usap saglit sa kabilang sulok ng red ribbon. Biglang umalis ng red ribbon si Marta. Lumapit si Rose kay Lucy at sinabing.

“Miss Castaneda, text text nalang, I have to go.” Sabay beso kay Luc....

CHAPTER 5 - LAK-WA-CHA? (Day 174)

“Lucy! Haha... alis tayo.. game? Di mo ako nirereplayan sa celpon mo para san pa yan!” sigaw ni Pauline habang nag prapractis ng arnis.

“...san ba? e kasi mag-babasa pa ako para sa physics natin. Long test kaya...” kapraktis niya si Pauline sa arnis.

Bigalang sumingit si Cecil sa usapan at tinabla ang arnis na hawak nila pol at luc

“Basta kami bahala sayo, kami na ang magddrive kay Greenie...”

“...wag na ibubunggo niyo lang si greenie.. bagong pintura kaya yun... tska mag babasketball ako mamaya...”

“wag ka na muna mag basketball, corny much mo! At sino kalaro mo? Si casper?!?! Tska Grabe kanaman marunong ako mag dlayb noh!”

Nagtinginan si Pauline at Cecil ng matagal na para bang me gagaweng kalokohan. Para silang nakahit hit ng marijuana, nakainom ng 100 grandmatador at napoleon. Samahan mo na ng kropek para sa pulutan.

Ayoko nga sumama. Anu bang gagawen. DETAILED KASI mga tsong....

Pagkaraan ng ilang oras, matapos ang kanilang P.E., dali daling dumeretso si Luc sa locker room para maligo. Bumili pa siya ng sabon at shampoo sa bookstore. Pagkatapos maligo, kinapa ni Lucy ang bulsa ng kanyang bag.

Juskooo,, asan ang susi ni greenie... patay ako.. patay.. walang tao sa bahay sinong magdadala ng susi ko! Asa Singapore si mom at dad. Patay patay..

Dali daling tumakbo si Lucy sa Lost and found booth. Pero ang sabi ng studyante sa Lost and found booth wala naman daw nagsusurender ng susi.

Patay ka talaga.. wala.. mag tataxi nalang ako pauwe.. shit...

Pagkatalikod niya, ayun si greenie, ang napaka kintab na mazda 3... 323...

Patay kayo sakin.. halos namuti na mga mata ko! Grrr..

Dali daling sumakay si Lucy sa kanyang sasakyan. Biglang tumakbo ng napakatulin ang sasakyan, si Pauline ang nag dridrive, si Pauline na walang dalang lisensya.

“.. ano ba kayo.. halos mahimatay na ako kakahanap sa susi ko!...Pol.. wala ka kayang lisensya!...” pasigaw na sinabi ni Lucy kela Cecil at Pauline.

“Chillaaax ka lang... sumisigaw ka na ngayon? Haha... mag LALAKWATCHA TAYOOOOOOOO!!!!!” pa cool na sinabi ni Pauline.

“....san ba tayo pupunta?....”

“Jan lang...sat ap!” sabi ni Ces.

Chapter 4 - Tayp ko siya? NO! (Day 172)

Anu kaya pangalan niya? Ang ganda naman niya. Pero muhka siyang straight. Wag na lang, sayang sa oras, matutulog na lang ako dito sa caf.

“Hi Luc!?” hindi niya mapigilan ang pag ngiti noong pag bangon ni Luc sa mesa ng caf.

“......Marta.. kamusta na?” sagot ni Luc na me halong pagka antok

“bakit naman dito ka natutulog? Sa Library ka matulog malamig pa.”

“...wag na nakakatamad....”

Nakakatamad mag explain, e kasi malapit sa classroom pag dito ako tumambay.tska andito sila Cecil at Pauline.

Biglang dumaan ang babaeng natipuhan ni Luc, amoy na amoy ni Luc ang kanyang mala rosas na pabango. Amoy na nakakahalina. Nakakaakit. Napasandal si Luc sa bangko, napatingen siya sa babaeng natipuhan niya. Parang shooting star na papunta sa table niya.

“Marta? Sabay tayo umuwe mamaya ha?” napatingen siya kay Luc.

“Luc? Siya nga pala si Rose, kaklase ko siya sa SPED.” Malamging na sinabi ni Marta kay Luc.

Parehas silang maganda, si Marta, simple tignan, tipo ko rin ito kaso kaibigan ko un, kaya... NO.. itong si ROSE? Just my type. Basta ang ganda niya oh, me pagka chubby ngalang. LUC! ayoko, bawal mainlove ang mga katulad ko, masasaktan lang ako. IIwan ka lang niyan. Peperahan. Aartehan ka lang niyan tulad ni Mary.. Mary? wala na si Mary sa picture... basta.. Asa ka BOY!? BOY? Hindi pala ako boy... hindi ako tomboy.. hala.. hindi na.. ayoko na.. wala.. hay.. wala...

“Hi... si Ces at si Pol nga pala...” biglang pinakilala ni Luc si Ces at si Pol.

Ang mag best friend, silang dalawa, palageng magkasama, mga babaero. Tunay na babaero. Si Ces, bata pa lang naramdaman na niya na tomboy siya. Naranasan niyag magulpe ng sobra sobra, at kinalbo pa raw siya noon ng papa niya. Simula noon sinabi niya sa sarili niya na wala nang atrasan, walang titiklop. Tomboy na tomboy na.

Si Pauline, narealize niyang mas masaya umibig sa babae dahil malambing daw kesa mga lalakeng isip bata at immature. Sa dame ng naging boyfriend at girl friend ang huli pa niyang nakarelasyon ay bakla at parehas pa silang nagtatago dahil takot sila masira ang pangalan ng kanilang mga amang me pusisyon sa pulitika.

Patay.... wala na.. turn off na siya sayoo Luc!


RRRRrrrrrrrrriiiiiiiinggggggggggggggggg.....
rrrrrrrrrrIIIIIIIIInnnnnnnnnnnggggggggggggggggggggggggggggggggg............

“Pol! Luc! Tara na malalate tayo.” Nginitian ni Cecil si Marta at Rose.

CHAPTER 3 - Yellow form (Day 145)

Nakasalubong ni Luc ang kanyang kaibigan simula pa noong first year high school siya, si Mitsi, medyo tumaba na ang kanyang kaibigan na animoy hikaen noon. Asa may registrar office sila pumipila para sa pagpapadagdag ng klase or subjects na naiwan.

“Oi VAL! Bakit ka andito? Hahah me bagsak ka ba?” maligalig na inasar ni Mitsi si Luc.

“....VAL? Anu un?....” seryosong sagot ni Luc

“Ay nako Lucilla Castaneda! VAL? Valedictorian!?” siksikan sila doon sa pila ng registrar, buti pinasingit siya ni Mitsi.

“ahh.. noon yon...” tanggi ni Luc.

“Bakit ka nga andito?”

Ang daming tanong oh.. kakairita.. buti pinasingit ako...

“E kasi nga me iniwan akong subject na dapat isusumer ko last year, kasi nagpunta akong Singapore.”

“Ah.. pa-singapore Singapore ka nalang aah! so ano me honors ka ba ulit?”

“ewan ko, wala rin naming saysay kahit mag cum or summa cum pa ako” sabay kindat ni Lucy ke Mitsi.

“hah...., Luc kamusta na? Diba me dinadate ka? si Mary ba yun?” namumulang tinanong ni Mitsi si Luc.

“.........”

“anu?” nanlaki ang mata ni Mitsi, me halong pag ka tuwa na rin.

“.....sino bang magaling na professor sa Phil. Consti?”

“Kunin mo si Sir Pho, nag enjoy ako sakanya nung summer, nakakatawa siya! Cute cute pa... chubby cheese cake!”

“ah... ok.. thank u ah...”

Dumaan ang isang grupo ng nag gagandahang babae, lahat napatingen ke Lucy. Me isang babaeng kinikilig habang dumaraan, mayroon namang dalawang tumatawa at nagtutulakan at ang ang isa ay pinipicturan pa si Lucy. Napansin iyon ni Mitsi, nagselos siya pero wala siyang karapatan mag selos. Bigla siyang dumikit ng todo kay Lucy para tigilan siya ng mga grupo ng babae at para umalis na sila.

“Hindi ka talaga mahilig magsalita no?” nakatingen siya ng deretcho kay Lucy.

Napatungo lang si Lucy kay Mitsi. Simulat sapul hindi talaga maimik si Lucy, pili lang ang mga taong nakakausap niya kahit noong highschool. Hindi siya mahilig mag telepono, hindi siya mahilig mag text. Pero matalino siya, mayaman, mysteryoso, morena at tomboy daw.

CHAPTER 2 - I am GAY! (Day 164)

Ang first class. 7:30 ng umaga, Wednesday

“Good Morning Class! My name is Sir Roger Pho, Half Chinese, I am also a graduate of this Institution, and you can call me Sir Roj or Sir Pipo.”

“Hi sirrr Pipo!” maligaya siyang binati ng isang studyanteng me kagandahan ngunit mataba.

“Good morning... Bawal malate sa klase ko, ang malate kakanta or sasayaw, bawal ang malungkot sa klase ko, bawal ang nakasimangot.” Napatingen si Si Sir Roger kay Miss Castaneda.

Malabo ba mata neto, bakit nakatingen sakin to. Anung gusto niya palabasin ngumiti ako?


“Class, I forgot to tell you, I’m GAY...It means I’am HAPPY!”

Lahat ng studyante ni Sir Pipo ay nagtawanan, maliban sa mga higher batch sa likod. Ang mga irreg(Irregular). Sa likod doon nagkumpulan ang mga lesbiana. Mga hindi na tuwa sa unang hirit niya.

Loko to ah, matapos akong tignan sasabihin bakla daw siya. Ang rude. Sigurado ba siyang tomboy ako. Hindi ako irreg. late lang. ok ok!

Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala ng bawat estudyante sa klase ni Sir Pipo. Malagkit kung makatingen si Sir Pipo sa magaganda, to be specific mahilig siya sa maputing maganda.

Nung nagpakilala si Lucy, ito’y ngumiti lang na parang natagpuan niya ang kanyang hinahanap. Makalipas ang ilang oras nagsimula nang mag klase si Mr. Pho.

“Class, ilan ang population ng buong pilipinas” sigaw ni Propesor Roger Pho.

Alam ko na yan, jusko naman itong propesor na to. 85 Billion. Bakit niya ako tinitignan, imposibleng type niya ako, hala, baka bading talaga siya.

“Chini?” tanong niya.

“seeer?” sagot ni Chini. Hindi niya nasagot dahil halatang mahina ang utak ngunit talagang maganda ang binibini.

Wala, walang nakasagot.

Kahit si Luc na Valedictorian nung High School ay hindi interesadong sumali sa recitation dahil sa pagka badtrip sa joke niyang “gay” daw siya(sir pipo).

Ay nako, ke aga agapag papacute ang ginagawa. Pero kahit nababanas ako sa klaseng ito, basta, e kelangan ko itong pasukan dahil overload ko lang ito, pag nabagsak ko ito, lagot ako, di ako makakagraduate, nakakahiya naman kung magsusummer ako dahil dito okaya maging octoberian ako dahil sa Philippine Constitution Class lang, minor lang to. Sus.

“Luc, tinitignan ka niya, sagot ka kaya...” Cecil ang kaibigan niyang halatang tomboy kung kumilos.

“Ha?...” napatingen sa gulat si Lucy kay Cecil.

Dahil me pagka binge si Lucy dahil sa kahiligan sa headset or pag gamit ng Ipod. Ito ang unang beses siyang mapag initan ng propesor.

“Miss?...”

Nakatingen si Lucilla kay Pipo, Si Pipo nakatitig kay Lucilla. Hinihintay ulitin ni Lucilla ang tanong.

“Miss?....”

“...Castaneda”

“ok. Miss Castaneda? Ilan ang population ng Pilipinas?” napa tingen si Propesor Roger sa name tag niya at sa makinis na morenang mukha ni Lucilla Castaneda.

“....85 Million.. ay.. 85 Billion” malamig niya binangit ang kanyang sagot.
“Mali, di ka kasi nakikinig, please pay attention in my class, if you don’t like me, get out”

Hala? Ni hindi nga ako nag sasalita! Bakit pinag iinitan niya ako.

Gulat na gulat si Lucy dahil parang kilala siya ni propesor taba at tila parang nababasa ni Propesor Roger ang kanyang naiisip.

Anu ginawa ko? Ke aga aga nakakabadtrip! Di naman kami close!

CHAPTER 1 - Define TAMBLING (Day 180)

Rrrrrrrrrrringggggggg.. ring...................
Rrrrrrrrrinnnnnnngggg.... rinnnnnnnng..........


Pinagsisisihan ni Lucy ang pag-kasira ng kanyang alarm clock. Hindi mapakali si Lucy dahil pag iinitan nanaman siya ng kanyang propesor.


Riiiiiiiingggggg.....


Dalawang “tambling” na lang pasok na ako sa kwarto. Yes! halleyuyah, wala pa siya. Napa sarap ang pagprapraktis ko ng basketball. Hooo.. buti wala pa siya.. hooo!
Sumikat na ang araw, alas siyete na.

Dumating na ang propesor na mataba, cute sa mata ng iba, pero sa isang tomboy na tulad ni Lucy. Hindi. Isang malaking bangungot ang propesor na yun.

Hinde ko siya type kahit mag hubad pa siya.

Paedophile/

Paedophile is a story that I've been working this past few days. Actually i haven't finished it yet and I am still polishing some parts of it.  Anyway, some of you might find it difficult to understand some chapters because it portrays identity crisis and betrayal. Majority of the parts here are true to life stories.

I'll finish my other short story - Confused. SOON! :)

So yeah. Enjoy!

_____


"Kamusta Tagaytay trip mo with... Greenie?!!!" Pol laughs.

"ano?" Ces asking me seriously with a grin.

.................

POOH-TAH

12pm, near AVR d, last Thursday.
I, Ces and Pol. Were walking fast to go to SAR.

then.
i saw a bear. pooh bear.
i didn't like what i saw.
he wasn't wearing his pants again.
i wanted to puke.

he was smiling upon seeing me.
as if i made a crime.
but the truth is.
he is already committing a crime.
and.
i am a threat to his career.

i mean, lately now that i've heard about it.
i don't really care about it pooh.
i have no interest to interfere with
your honey.
i don't like your honey.
its all yours.
hug it tight pooh

pooh, you cant manipulate me.
i know how these things work.
as of now you disgust me.
and i cant wait to finish this semester.
i see nothing wrong.
i didn't do anything wrong.
as far as i know.
i am keeping my mouth shut.

if i could turn back time.
i'd rather go into another route.
even if it takes me 1000steps to reach SAR.

i'd do it. wag ka lang makita.
except on WF. god i have to.

pooh that day.
you told me you are goin fail me and my group mates.
and i was like.
WHAT? the hell do you want from me?
*close tayo??.....

Karma will get back to you. You'll see.

-Lucilla Castaneda’s
Phil. and Government notes

*****girl playing basketball, fell down... and saw her lover,,, stood up... then she led the team... the team lost though... but everyone was fascinated by her leadership...


****Moving on*****