9/4/13

Huli na ito

Hindi mawalan ng trabaho ang pinakamasakit na binitawan ko. Ikaw yun. 

Isang matinding kadramahan na naman. Isa akong walking teleserye. Ikaw na naman naisip kong isulat. Kailan kaya kita makakalimutan. Ang dami ko nang nakilala dito sa gitnang silangan, ang daming maganda dito. Pero alam ko panandalian lang ang mga ito. Lintik naman oh, ikaw pa rin. Ang tindi mo. 

Sa parte ng daigdig na to, bawal ang tanga. Parang pinasusyal na Quiapo dito. Napaka swerte ko nga lang kasi nakita ko ang mga taong tunay saakin. Kung tutuusin hindi ko na maipinta o masabi ung gusto kong gawin, para bang lahat ng gusto ko nawalan ng saysay. Pero sige dahil kelangan ko, tuloy pa rin ang buhay. Kelangan kong mabuhay. Madalas natutulala na lang ako. Anu na Berting? Asan ka na? Wala. Yolo.

Naaalala mo pa ba nung nagkita tayo sa UP para lang mag tapsilog sa Rodics? Galing pa akong China nuon. Baguhan pa lang tayung nag mamaneho nun. Ako si Franck Muller. Alam mo yun. Magkatabi tayo parati, umiiwas ako sayo kasi ayaw mo mahalata ka ng ibang kaklasi natin. Pero ikaw pasaway ka nalapit ka pa rin. Ang bonjing mo talaga. 

Nung nagkasakit ako, sabi ko wag mo na ako samahan sa hospital. Kasi mahahalata tayo. Hindi ka nga sumama pero grabe ka mag alala kakatxt sa sun ko. May sun cell tayo nun! magkasunod pa number natin, kaso inferness nakalimutan ko na ung number. 

Hinawakan ko kamay mo sa harap ni Editor, nung nahuli tayo.  Sa Multiply tayo na huli, hindi mo kasi pinaltan ung password mo nung nag pagawa ka ng theme sa kanya, napaka burara mo talaga. Buti na lang wala nang Multiply. Burado na memories natin. Yung baboy na un, sabi kapatid daw ang nakealam ng multiply mo. Bullshit noh? Naaalala mo pa un?

Sinigawan ko siya na wala siyang pakialam satin dahil mahal natin isat isa. At kung makareact siya parang magulang mo. Inaaway niya tayo. Ayaw niya saakin. Kung anu ano na binato saakin ni Editor, matitinding pang lalaet na hindi ko maintindihan kung bakit siya galit na galit saakin. 

Pero di nag tagal, natanggap niya din tayo. 

Nakilala mo naman siya. 

Nakalimutan mo na ang lahat. Nakalimutan mo ako. Tuwang tuwa naman si editor. As in. 

Sana makilala ko na rin yung sakin. Sana naman mawala na to. Ayoko na talaga. Namimiss na kita bilang kaibigan. Alam ko sa isang "sorry" lang, kaya kong kalimutan ang lahat. Wag kang babalik. Tandaan mo yan. Mahal pa kasi kita. Wag ngayon. Wag na lang muna. Siguro.

Sa mga akala kong kaibigan na tinalikuran ako. Salamat. Pinakita ninyo sakin kung gaano kayo kaopen minded.

Huli na itong emotional blog about you. Huli na ito.




No comments:

Post a Comment