5/18/12

Madaya.


Gusto ko mahimatay. Matauhan. Kaso ito lang ang naiisip kong gawin para maibsan ang nararamdaman ko.


Ang daya mo - kasi hindi pa rin ako makapaniwala, wala ka na talaga. Wala na tayo. Ang daya mo kasi hindi ako makatulog - ikaw siguro tulog na. Ang daya mo hindi ko alam kung paano mag sisimula. Ang daya mo hindi ko alam kung ano gagawin ko para hindi ako malungkot.


Ang daya mo - bigay ko yang cellphone na yan tapos ka text mo siya. Ang daya mo - napasakay mo na yata siya kay Gigi or Georgina. Ang daya mo kasi hindi mo ko pinakilala ni isa sa officemate mo. Ang daya mo kasi kelangan ko mag paka girly pag kaharap ko kapatid at mommy mo. Ang daya mo kasi hindi mo na ako sisiputin


Ang daya mo, kasi in time matutupad na ung lifetime wish mo. Ang daya mo kasi makakapag lakad ka na sa red carpet - suot ung pangarap mong wedding gown. Naalala ko sabi ko sayo wag mo akong iimbitahan sa kasal mo. Totoo ayaw ko. Kasi mag eeksena ako dun. Ang daya mo talaga.


Ang daya mo - sabi mo saakin noon gusto mo ng 5 anak. Nasaktan pala ako nung sinabi mo saakin yun, kasi alam ko hindi ko mabibigay yun.


Lahat ng sinabi mo saakin naiisip ko ngayon.



Ang daya mo masosolo mo na sweldo mo. Ang daya mo makakaipon ka na. Ang daya mo ung mga pinakita ko sayo ipapakita mo sakanya. Ang daya mo alam mo lahat ng saakin. Ang daya mo talaga kasi alam kong pinipilit mong wag isipin ang lahat ng memories natin kasi you are apparently shutting me out. You should. I should be mad at you but I could not. Not even close. Kasi ang daya mo. Ang daya mo kasi mahal na mahal kita. Ang daya mo kasi alam kong mahal mo ako pero iba na gusto mo.


Ang daya niyo naman Lord. Ang daya niyo. Sana ginawa mo na lang akong lalake at ang bakla bilang babae.


Ganito ba talaga kasakit ang katotohanan? Makikinig ba ako sa iba na mag paka babae? sinabi niyo ba talagang masama maging ganito? ayaw ko talaga sa lalake e. bakit hindi makuha ng iba ung salitang RESPETO. bakit bawal ako ikasal sa babae? bakit? bakit hindi kita marinig? bakit? bakit? bakit? Bakit wala masyadong role ang babae sa bible??

Ang daya niyong lahat.:(

No comments:

Post a Comment