12/4/12

the KABAYAN ice cream




Tomboy ako, hindi ko sinasabing lalake ako, babae pa rin ako. Minsan na akong nabastos ng kapwa ko Pilipino dito. Bastos siya. Binastos ako ng kalahi ko, ang kabayan ko na harapan akong binastos sa harap ng nanay ko. Hindi pa kasi ako out nun, dalawang taon nang nakalipas yon at naaalala ko pa rin hanggang ngayon. Alam ko nga ung papanamit ko noon tama lang naman, hindi halatang tomboy. Nagsimula ang lahat sa pag bili ko ng ice cream sa isang tindahan dito sa Dubai.

"I want a scoop of chocolate ice cream please - cone" kabayan pala ang tindero.
"Ito ba? Ganda mo sana kaso tomboy ka..." sabay walk out

Hindi ako nakapagsalita, dahil gusto ko lang ng ice cream. Bakasyunista lang naman ako at hindi ako nakapalag dahil kasama ko si mommy. Hindi ako nakabwelta dahil tumalikod siya agad. Gusto ko itapon sa mukha niya yung ice cream sa totoo lang. Hindi na din nagawang sumagot dahil maraming tao at kabayan pa siya. Naiinis ako dahil hindi ko nadepensahan ang sarili ko, dahil may mga hipokritong katulad niya. Naiinis ako dahil wala akong nasabi at ngayon ko lang nailabas. Sa inis ko natunaw ang ice cream at dala ko pauwi ang alaalang yun.

Simula nun, naapreciate ko na nag mga edukadong tao. Yung mga cultured and mannered, di naman lahat ng edukado matino. May gago lang talaga at kinulang sa nutrisyon nung kabataan. Simula noon, ayaw ko na masaktan sa sinasabi ng iba, sasabihin ko sa mukha mo ang dapat mong malaman para sa huli hindi ko iuuwe ang sama ng loob.

So kung sasapakin mo ko. Gugulpihin ka ng masasakit kong salita. Murahin mo ako? Titignan kita na halos ikaliit mo ang sarili mo. Hindi na ako uuwi ng luhaan. Hindi na ako uuwe ng masama loob ko. Hindi ko hahayaan na saktan ako. Tao rin ako tulad ninyo. Nasasaktan din kabayan.

3 comments:

  1. harsh. Pero oks lang yun :) smile. Eh ano kung tomboy ka? hehehe isipin mo nalang inggit sya. ikaw na tomboy ay nasasabihan ng gwapo at maganda! 2 compliments in one :)) eh sya hindi. pag maganda walang karapatan maging tomboy?? :)) makakasanayan mo din yan :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah! thanks jobi! ;)) I just hate the hypocrites. :)))

      Delete