12/6/12

UNO



Isang tao na alam kung paano ka tatahan mula sa nakakapagod na mundo.
Para sa kanya ikaw lamang ang kanyang numero uno.
Ang taong alam mo andiyan lamang pag ikaw ay napahikbi.
Siya lang ang may alam kung papaano ka kakalma at paano ka lalaban muli. 

Handa siyang makinig at makipag sabayan sa kulit mo. 
Umiintindi at kayang suyuin ang lahat ng mali mo.
Pag ibig na alam mong walang kundisyon. 
Sayung sayo ako at sana akin ka lamang.

Para sa kanya handa ka rin makipag away.
Kaibigan mo siya, kasangga at isang biyaya.
Kami ay isang pag-kakamali sa iba.
Ngunit tinawid namin ng sabay ang takot at pangamba.

Isa lang ang dapat mahalin. 
Ikaw lang ang sasambahin. 
Sayo ako uuwi.
Kahit maakit sa katabi.
Ikaw Ikaw Ikaw. 
Ikaw ang mahal ko. 
Ikaw lang. 
Ikaw ang nag-iisang mahal ko.

Pero sa ngayon ako ay isang pagkakamali.
Saan ako nag kamali?
May basabi ba akong mali?
Biglaan mo na lang akong itinapon sa tabi.

Ako'y naging isang ekperimentong unang natikman.
Isang kasanasan na hindi mo na babalikan.
Mukha mo'y hindi mo na kelangang takpan. 
Pipilitin kong lumigaya para sa iyong kinabukasan.

Hindi ko na nagawang ipaglaban. 
Pagmamahalan nating akala ko'y walang hanggan.
Malaya ka na. 
Matatanggap ka na nila. 

Ito ang tatandaan mo. 
Ikaw ang una kong minahal ng ganito.
Ikaw pa rin ang numero uno. 
Ang numero unong sakit sa ulo at mahal na mahal ko. 


No comments:

Post a Comment