Dalawang araw na torture - kasama sila Angels. Silang dalawa walang sinabi kung hindi pangalan ni ex.
Tuloy and inuman. Tuloy ang ligaya. Kitang kita ko kung pano niya alagaan si Angel 2. Ok na rin ito na kasama ko sila, masaya sila kasama, sobra.
Sabi ni Angel, pag nagaaway sila, magkatabi pa rin sila. Nakita ko sila magsapakan. Pero sila pa rin pag ang araw ay sumikat na. Walang sorry, basta sa umaga, sila lang. Ang mundo nila ay iikot sa isat-isa.
Hindi ko maintindihan kung anung klaseng pagmamahalan ang meron sa kanila. Kami naman ni ex hindi ganun, nagkanda leche leche lang nun nag simula siyang magsinungaling. Iniisip ko kung san ako nag kamali, umiinit ulo ko. Ininom ko na lang ang lahat.
Kay ex lang ako komportable magsabi ng lahat. Kay ex lahat kaya kong sabihin. Siya lang ang best friend ko, kaso hindi na ngayon, hindi ako ang pinili niya. HINDI AKO ANG PINILI NIYA.
Sa loob ko mapigilan maliitin ang sarili ko.
Habang lasing na lasing ako. Sobrang nainggit ako dahil may plano sila. Naiingit ako 5 years na pala sila. Naiingit ako dahil nais nilang makatawid sa ganitong relasyon. Naiingit ako kasi kahit nag sasabunutan sila sa harap ko, sila pa rin. Sila lang. Walang pwedeng sumira.
Walang silang sing sing, wala silang necklace na makakapagpatunay na sila. Basta alam nila sila lang.
Sa bawat lagok ko ng alak, sisingsisi ko pa rin ang sarili ko.
Kung ayaw mo gawin sayo, wag mo gagawin. Bakit ginawa saakin? Life is filled with uncertainties - kaya kung gusto mo gagawin mo na lang? Kasi dun din naman ang punta? Para masabi mong nagloko ka bago ka tumino? Define tino?
Sabi ng kaibigan ko "mas ok LUMANDI, kesa TALI". Oo mukha ngang masaya yun, kaso hindi ko kayang mabuhay ng walang kasiguraduhan at puro kasiyahan lang.
Iyak hikbi. Nganga sa katotohanan. Hirap na hirap mag tiwala. Walang
maaasahan. Walang kakapitan. Bawal magkasakit. Bawal mapahamak dahil
literal na magisa na ako. Ako lang ang maaasahan ko. Ako lang.
Galit ako, pero alam ko siya pa rin. Siya pa rin sa ngayon.
Hindi ko pa kayang lumandi para makalimot at makamove on.
Hindi ko kaya gumamit ng iba para makalimot.
Hindi ko na kayang umi-love you ng hindi ko tunay na raramdaman.
Hindi ko na kayang mawalan ng kaibigan at hinding hindi na ako maiinlove sa kaibigan ko kasi sa huli, ako ang nasasaktan ng sobra sobra.
Kaibigan wag tayo mag-KAIBIG-an. Please lang, wag na ako.
Di baleng pangatlong gulong sa samahan. Di na bale kung matagalan bago ako makabangon. Di na bale kung forever alone. Basta magiging OK din ako at ayoko sa lalake.
No comments:
Post a Comment