Napaka haba nang ating nilakbay,
sa dinami-rami ng mga iyak, yakap at akbay,
ngunit heto at dumating nanaman tayo sa dulo,
kailangan ko rin palang bitiwan ang iyong mga kamay.
Hindi ko kailan inakala
sa lahat ng lungkot at saya,
lahat ng pagsubok na nilampasan nating dalawa
ay paghahanda lamang pala
sa mga bukas na hindi na ako ang iyong makakasama.
Ngayon parang parusa ang maramdaman iyong alaala.
Sana man lang kasi nagkaroon ng kahit konting babala
tila naging tagahatid lang pala ako
at sakanya pa rin ang destinasyon mo........
No comments:
Post a Comment