2/12/21

Sana(Adult Version)

Ang tanda ko na, gusto ko na mag asawa. Naisip ko yan kanina. Natawa ako and at the same time nalungkot. Sapagkat, malapit na kasi mag valentines day kaya siguro ako bitter biteran na naman. Hindi mo naman ako masisisi kasi mag tatatlong buwan pa lang akong single, siguro naman by next month tapos na ang sinasabi nilang 3 month rule, diumano. Bakit ko ba yon naisip? Ah kasi pwede na makipag date after 3 months. Pauso. Hehe depende na lang yan. Basta ako, hindi ko pa kaya... sarili ko muna ang aasawahen ko. Haiiiyo.


Gusto ko na actually mag mahal uli. Alam ko madami akong kayang ibigay, pero andito pa rin sa dibdib ko ung takot na baka iwan na naman ako. Madalas naiisip ko, deserve ko naman talaga ng taong mapagmahal at maalaga. Minsan naman meron pa kayang mag mamahal sa isang tulad ko?


Hindi naman ako madamot. Mapagbigay naman ako. Pero kasi bakit ganon, ubos na ubos ako tuwing iniiwan ako ng minamahal ko. Hiling ko na lang eh sana ung susunod na magmamahal sa aken, rerespetuhin ako. Mamahalin ang magulang ko at pamilya ko. Marunong magpakumbaba at humingi ng pasensya. Sana ung susunod ko, may modo, may takot sa diyos. Sana takot siya sa away, dahil ayaw namen masira ang nasimulan namen. Sana hindi siya masakit magsalita. Sana lahat ng gusto ko supportahan niya rin at ganon din naman ako. Sana parehas kming maging successful sa aming careers. Biyayaan kami ni lord ng kahit isang anak, ok na. Wala namang mali mangarap pero may mga pagkakataon na naiisip ko na. Baka best tita nlng talaga ako. Or best friend ng taon? Pero walang maling maghangad. Gusto ko na magkapamilya. Gusto ko ng kasangga. 


Hindi ko mapigilang magisip kung mayron nga bang mali saakin? Gusto ko lang naman umuwe sa taong alam kong ako lang ang laman ng pusot isipan nila. Sa totoo lang, I cant wait. I cant wait na dumating ang huling magmamahal saakin, ung anjan lang at ikaw lang ang pipiliin kahit anu pa. Gusto ko na siya makilala, dahil gusto ko maramdaman na mahalin ako ng tulad ng pagmamahal na binibigay ko, ung walang reservations, kayong dalawa lamang. Mahal niyo, ang isat isa. Parehas kayong magtutulungan pataas. Sana makilala na kita. Sana wag mo ako bitawan pag nawala ako sa sarili. Sana magtiwala ka sa kakayahan ko. Sana ako lang makapagpasaya sayo. Sana ako lang ang hindi mo kayang saktan o iwan. 


Kamahal mahal naman ako. Alam ko mabuti naman akong tao. Sana dumating ka na. 

No comments:

Post a Comment