I feel peculiar, at this time I am in a coffee shop/tea shop
filled with Indians. Sa totoo lang gusto ko magtrahabo, kaso siya ang naiisip
ko. San ba to nagsimula? Hay panira ng moment gurl.
Naaalala ko pa noong una ko siyang nakilala. Ang cute cute
niya, naka pink na basketball shoes. Ang liet niya, pwede ibulsa, blonde, pixie
cut hair, pero bat parang galit siya palagi? Bagay na hindi ko maintindihan.
Pag nakikita ko siya, gusto ko siyang lambingin, then kinabukasan lalambingin
ko pa din.
Nun dumating kami sa opening ng liga, laking surpresa ko na
ka-team ko pala siya. From Dubai, nasugod kami to Abu Dhabi just to play
basketball on a Saturday morning. Infairness sa aken noon time na yon, kinakaya
ko pa mag habol at magtatakbo sa mga pasa nya. Kahit wala kaming practice,
nagawan naman naming makapag laro. Ang sakit niya mag pasa ha. Naalala ko na
corbo pa yata ako dahil sa kanya. Pero sinasalo ko pa rin naman. Nasasalo ko pa
rin naman.
Kabado, ganto din kaya ang nararamdaman nya tuwing kasama
niya ako sa loob ng court? Natutuwa kaya siya tuwing nakakashoot ako mula sa
mga pasa niyang napakasakit? On an average game. Nakaka 8-10 points ako with
her as my PG.
Magaling siya mag laro ha, nafafascinate ako sa mga point
guards. Kelangan ng talino, lakas at bilis to pass. I like the passers. Nun
pinasok ako ng coach namen, naaalala ko andme kong nashoot. Pagkatapos ng laro,
minsan nagiinuman pa kami or kain sa labas ng buong team, kun san man abutin.
Sinusubukan ko maging kaibigan siya. Ang ganda niya, ung tipong gusto ko na
tanungen anong skin care na ginagamit niya? May scar siya sa left side ng head
niya, pero hindi mo siya mapapansin kung hindi mo siya pagmamasdan. Asa may
bilyaran kami noon. Hindi ko siya magawang lapitan.
Isang beses, pinagmasdan ko ulit sya habang naglalaro. Sabi
saken ng isa kong team mate, “hoy tol, obit yan”. Bagay na napuna ko naman sa
kanya. Pero dahil me pagka masokista tayo, dinedma ko iyon. Minsan katxt ko
siya. Minsan hindi. Nagrereply siya minsan. Minsan hindi. Sa restaurant daw
siya nag wowork, aba, Visor pala siya.
So eto na naman ako, inooffer ko ang libreng CV pa edit.
Nalaman ko ang madaming bagay about her whilst reading her CV. She went on, and
on, na nappiste na siya sa work niya. I prayed makahanap na siya ng bagong work
so she can just reply constantly saken, sent updated CV.
Minsan hindi ko siya magawang itxt, pero may isang araw na
napasugod ako to Abu Dhabi para makita siya, kaso di ko alam, I just want to
know her gestures. I just want to see her. Baka iba siya pag kaming dalawa
lang. I just want to be with her miski kaming dalawa lang mag jog sa corniche.
I just want to listen to her. Kasi mukhang andme niyang emotional baggage. But
di ko alam, bakit hindi niya ako mineet. Hindi naman ako nagalit.
Kasalanan ko din naman, kasi, hindi ko sinabi sknya in
advance. So I went on sa corniche, ng Abu Dhabi. Thinking out loud on my head.
Shutaca. Sinabihan ka nang obit nga eh. The league went on and talo kami. Pero mythical
5 siya. Naks galing niya, pakiss nga. Charot. Ibang kaba nafefeel ko kasi di ko
alam. Bakit ba nakaka attract ang mga point guards? Ako lang ba?
One fine January 2018, napasugod ulit ako with my team mate
to abu dhabi, para makipractice. It went well. Masaya ako, ayan na naman siya,
ang bwakaw, pero pag nagpasa, napakasakit but sinasalo ko talaga. Ang sakit
niya talaga magpasa. After the practice. We drank the JD that I brought. Sabi
saken ang susyal naman daw ng dinala ko, dapat empi nln daw. Hahaha. Tapos me
maganda siyang kasama, nagyayakapan sila eh, so may meaning un. I was hurt.
Totoo. Maganda ung girl ah.
Dun ko naramdaman, tanga mo naman Berting. I stopped,
wanting her. I was hoping na mali ako. Di ko alam kung napansin niya ung
efforts ko to be with her. Di ko alam kung napansin niya ung enthusiasm ko to
improve. Di ko alam kung napansin niyang I would drive a 200 kms just to see
her, taga Sharjah pa ako noon. Nag join din ako sa Classic sometime, 2018, kasi
I still want to get her attention. Kaso di naman ako napapasok tuwing siya ang
point guard. We were 3rd placer on this league.
SO, I guess the timing and the person she was that time
isn’t for me. Until, I met someone. She met someone. Occasionally, chinecheck
ko ang FB niya. Oh, She can drive na. She has a cat. She lives with her. She
looked happier, stronger, and matured. She went on different places na din. I
noticed, we both stopped playing for a certain time. I still joined Classic
team for the last time in 2019. Nag champion kami, and I was wondering bakit
wala siya sa line up. Apparently, pinag bawalan ata siya ng gf niya, same with
me. Nag mapilit lang ako para makasali.
2021, years after, I was in Mamzar beach, crying, grieving pa kasi ako ng sobra sobra kasi I lost my mom and my ex was the most unhuman person na nakilala ko.
Nagpaparamdam siya all of a sudden. So she works in a travel agency na. Timing
is right na siguro, na I should leave UAE. I took a chance, listened to her
assessment, but nafefeel ko this is not the right timing yet. Plano ko na mag student
pag financially ready na talaga ako, pero paano ako aalis kung masaya naman ako
sa career ko dito?
Nagpaparamdam siya pag pmupunta siya Dubai. Asking me routes
on the train, magkape daw kami. But I have been really busy on my own shell,
madalas di ko narereplyan. Di ko na namalayan na gusto ko na siya noon pa, na I
risked one day just to reach her pero it didn’t worked. This year nagparamdam siya
ulit, apparently nagbabalik siya sa pagbabasketball.
I told her to play with my team. I told her I do not play
anymore, when needed lang, pag practice lang, that I am better coaching. Pero ambilis
pa din niya. Naglaro kami last week, that moment when she passed the ball to me
a couple of times. To my surprise, hindi na ako nasaktan sa pasa niya. It was a
crucial game, kaso natalo kami ng 1 point. Kasi shooter mga Barbies ko, that
was a fast .001 millisecond hahaha
It was tough but she made it feel like it was nothing. Why
does it feel na she can manage my emotions? I am a very emotional person, and I
know I can’t let anyone hurt me at this time. I am just too fragile. Pero
parang ansaya ko that day, kasi I saw a different her, long hair na siya,
ganon pa din, ang cute, ang sarap ibulsa, palangiti na din siya.. she doesn’t frown that much na.. she doesnt look cranky anymore.. But sumobra ata sa confidence and daldal? Haha! Nilibre pa niya ako. Bagay na
weakness ko. Anrupok ko na yata.
Tanong ko sa sarili ko, ito na baa ng pag-ibig na hindi ko
na ipipilit? Lord ito na ba ung kusang binibigay… Ito na baa ng divine timing?
Ito na baa ng last hooray ko? kung yung mga pasa niyang masakit, hindi na
ngayon masakit. Would that mean anything? Would that mean na kaya hindi mo siya
binigay saken noon kasi we need to learn things separately. To grow maturely?
Torpe daw ako. What was that all about, sinabi niya saken
ito out of knowhere… Bakit saken niya uli pinapasa ang bola? Kabola bola ba
talaga ako? Sana hindi niya ako pinapaikot noh? Do I have to be bolder with
her?
Kasi if the wait is over, then this is really worth the
wait. May this love be sincere, pure and worth the risk. Kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko saluhen
ang lahat. Ngayon pa ba ako susuko? Kaya ko pa ba itong saluhen muli? Ang
tanong ko, papasahan pa ba niya ako?