2/6/23

Paki pasa ang bola.



I feel peculiar, at this time I am in a coffee shop/tea shop filled with Indians. Sa totoo lang gusto ko magtrahabo, kaso siya ang naiisip ko. San ba to nagsimula? Hay panira ng moment gurl.



Naaalala ko pa noong una ko siyang nakilala. Ang cute cute niya, naka pink na basketball shoes. Ang liet niya, pwede ibulsa, blonde, pixie cut hair, pero bat parang galit siya palagi? Bagay na hindi ko maintindihan. Pag nakikita ko siya, gusto ko siyang lambingin, then kinabukasan lalambingin ko pa din.

Nun dumating kami sa opening ng liga, laking surpresa ko na ka-team ko pala siya. From Dubai, nasugod kami to Abu Dhabi just to play basketball on a Saturday morning. Infairness sa aken noon time na yon, kinakaya ko pa mag habol at magtatakbo sa mga pasa nya. Kahit wala kaming practice, nagawan naman naming makapag laro. Ang sakit niya mag pasa ha. Naalala ko na corbo pa yata ako dahil sa kanya. Pero sinasalo ko pa rin naman. Nasasalo ko pa rin naman.

Kabado, ganto din kaya ang nararamdaman nya tuwing kasama niya ako sa loob ng court? Natutuwa kaya siya tuwing nakakashoot ako mula sa mga pasa niyang napakasakit? On an average game. Nakaka 8-10 points ako with her as my PG.

                                         

Magaling siya mag laro ha, nafafascinate ako sa mga point guards. Kelangan ng talino, lakas at bilis to pass. I like the passers. Nun pinasok ako ng coach namen, naaalala ko andme kong nashoot. Pagkatapos ng laro, minsan nagiinuman pa kami or kain sa labas ng buong team, kun san man abutin. Sinusubukan ko maging kaibigan siya. Ang ganda niya, ung tipong gusto ko na tanungen anong skin care na ginagamit niya? May scar siya sa left side ng head niya, pero hindi mo siya mapapansin kung hindi mo siya pagmamasdan. Asa may bilyaran kami noon. Hindi ko siya magawang lapitan.

Isang beses, pinagmasdan ko ulit sya habang naglalaro. Sabi saken ng isa kong team mate, “hoy tol, obit yan”. Bagay na napuna ko naman sa kanya. Pero dahil me pagka masokista tayo, dinedma ko iyon. Minsan katxt ko siya. Minsan hindi. Nagrereply siya minsan. Minsan hindi. Sa restaurant daw siya nag wowork, aba, Visor pala siya.

So eto na naman ako, inooffer ko ang libreng CV pa edit. Nalaman ko ang madaming bagay about her whilst reading her CV. She went on, and on, na nappiste na siya sa work niya. I prayed makahanap na siya ng bagong work so she can just reply constantly saken, sent updated CV.

Minsan hindi ko siya magawang itxt, pero may isang araw na napasugod ako to Abu Dhabi para makita siya, kaso di ko alam, I just want to know her gestures. I just want to see her. Baka iba siya pag kaming dalawa lang. I just want to be with her miski kaming dalawa lang mag jog sa corniche. I just want to listen to her. Kasi mukhang andme niyang emotional baggage. But di ko alam, bakit hindi niya ako mineet. Hindi naman ako nagalit.

Kasalanan ko din naman, kasi, hindi ko sinabi sknya in advance. So I went on sa corniche, ng Abu Dhabi. Thinking out loud on my head. Shutaca. Sinabihan ka nang obit nga eh. The league went on and talo kami. Pero mythical 5 siya. Naks galing niya, pakiss nga. Charot. Ibang kaba nafefeel ko kasi di ko alam. Bakit ba nakaka attract ang mga point guards? Ako lang ba?

One fine January 2018, napasugod ulit ako with my team mate to abu dhabi, para makipractice. It went well. Masaya ako, ayan na naman siya, ang bwakaw, pero pag nagpasa, napakasakit but sinasalo ko talaga. Ang sakit niya talaga magpasa. After the practice. We drank the JD that I brought. Sabi saken ang susyal naman daw ng dinala ko, dapat empi nln daw. Hahaha. Tapos me maganda siyang kasama, nagyayakapan sila eh, so may meaning un. I was hurt. Totoo. Maganda ung girl ah.   

Dun ko naramdaman, tanga mo naman Berting. I stopped, wanting her. I was hoping na mali ako. Di ko alam kung napansin niya ung efforts ko to be with her. Di ko alam kung napansin niya ung enthusiasm ko to improve. Di ko alam kung napansin niyang I would drive a 200 kms just to see her, taga Sharjah pa ako noon. Nag join din ako sa Classic sometime, 2018, kasi I still want to get her attention. Kaso di naman ako napapasok tuwing siya ang point guard. We were 3rd placer on this league.

SO, I guess the timing and the person she was that time isn’t for me. Until, I met someone. She met someone. Occasionally, chinecheck ko ang FB niya. Oh, She can drive na. She has a cat. She lives with her. She looked happier, stronger, and matured. She went on different places na din. I noticed, we both stopped playing for a certain time. I still joined Classic team for the last time in 2019. Nag champion kami, and I was wondering bakit wala siya sa line up. Apparently, pinag bawalan ata siya ng gf niya, same with me. Nag mapilit lang ako para makasali.

2021, years after, I was in Mamzar beach, crying, grieving pa kasi ako ng sobra sobra kasi I lost my mom and my ex was the most unhuman person na nakilala ko. Nagpaparamdam siya all of a sudden. So she works in a travel agency na. Timing is right na siguro, na I should leave UAE. I took a chance, listened to her assessment, but nafefeel ko this is not the right timing yet. Plano ko na mag student pag financially ready na talaga ako, pero paano ako aalis kung masaya naman ako sa career ko dito?

Nagpaparamdam siya pag pmupunta siya Dubai. Asking me routes on the train, magkape daw kami. But I have been really busy on my own shell, madalas di ko narereplyan. Di ko na namalayan na gusto ko na siya noon pa, na I risked one day just to reach her pero it didn’t worked. This year nagparamdam siya ulit, apparently nagbabalik siya sa pagbabasketball.

I told her to play with my team. I told her I do not play anymore, when needed lang, pag practice lang, that I am better coaching. Pero ambilis pa din niya. Naglaro kami last week, that moment when she passed the ball to me a couple of times. To my surprise, hindi na ako nasaktan sa pasa niya. It was a crucial game, kaso natalo kami ng 1 point. Kasi shooter mga Barbies ko, that was a fast .001 millisecond hahaha

It was tough but she made it feel like it was nothing. Why does it feel na she can manage my emotions? I am a very emotional person, and I know I can’t let anyone hurt me at this time. I am just too fragile. Pero parang ansaya ko that day, kasi I saw a different her, long hair na siya, ganon pa din, ang cute, ang sarap ibulsa, palangiti na din siya.. she doesn’t frown that much na.. she doesnt look cranky anymore.. But sumobra ata sa confidence and daldal? Haha! Nilibre pa niya ako. Bagay na weakness ko. Anrupok ko na yata.

Tanong ko sa sarili ko, ito na baa ng pag-ibig na hindi ko na ipipilit? Lord ito na ba ung kusang binibigay… Ito na baa ng divine timing? Ito na baa ng last hooray ko? kung yung mga pasa niyang masakit, hindi na ngayon masakit. Would that mean anything? Would that mean na kaya hindi mo siya binigay saken noon kasi we need to learn things separately. To grow maturely?

Torpe daw ako. What was that all about, sinabi niya saken ito out of knowhere… Bakit saken niya uli pinapasa ang bola? Kabola bola ba talaga ako? Sana hindi niya ako pinapaikot noh? Do I have to be bolder with her?

Kasi if the wait is over, then this is really worth the wait. May this love be sincere, pure and worth the risk.  Kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko saluhen ang lahat. Ngayon pa ba ako susuko? Kaya ko pa ba itong saluhen muli? Ang tanong ko, papasahan pa ba niya ako?

 

No comments:

Post a Comment