11/4/16

Magtigil

Hindi ko alam
Basta alam ko binigay ko ang lahat
Nasugal ko na ang ako
Hindi ko na talaga maitago

Katahimikan ng aking kalooban
Kinailangan kong pakinggan
Dahil pintig ng puso
Tilay di na buo

Pakiusap ng puso
Itigil na ito
Wala nang luha
Hindi na masaya
Pagkat itong puso ko ay manhid na

Ito ang kinakatakot ko
Ang mapagod at tuluyan ng sumuko
Paano ba mahalin ang isang tulad mo?
Kung ang sarili moy hindi mo mahal.


No comments:

Post a Comment