11/12/16

WALA

Wala na ung kinang sa mata mo pag nagkikita tayo noon
Wala na marahil napagod ka saakin
Wala kasi akong pinapakitang interes
Wala akong naramdaman ni isang pintig galing sa puso ko
Wala talaga dahil kahit ipilit ko
Wala dahil alam kong kaibigan kita.
Wala kasi takot ako mahalin ang isang kaibigan.
Wala kasi ayaw kita mawala.
Wala naman ako ginawa
Wala naman akong magagawa
Wala ka na rin naman saakin bilang kaibigan.
Wala naman akong dapat sabihin
Wala, basta kung san ka masaya.
Wala kasi masaya din naman ako. 
Wala, balewalaen naten ang lahat.
Wala kang pakialam
Wala akong pakialam
Wala. Akala mo lang meron

Pero, wala wala wala. 


No comments:

Post a Comment