5/15/14

Mananalo ako


Cue in Music - Billionaire / Bruno Mars feat Travie Mccoy

Nanalo ako sa lotto, ang daming nagtetext at tumatawag saakin nangungumusta. Nalolowbat na ang cellphone ko nagagalit na si Gf kasi hindi ako makareply. Susmiyo I need a new number. LOL.  Aba bakit kaya tumatawag tong si? ah nanalo ako sa Lotto. Nabuhay at nagpaparamdam ang mga pinsan ko sa balakang at tadyang. Ay kapatid ako ni ganito na pinsan ng lolo mo na kapatid ng great great grand lola mo. ANO!?


Nagtext ang isa sa mga ex ko, binibiro ako sa mga pangarap namin noon na pwede na daw namin ulit buuin.  GAGO? Wrong number. 

Biglang may aakyat ng ligaw saakin ang pangalan Edilberto. Dodoorbell at mag papakilala sa nanay ko. Tuwang tuwa and tatay ko kasi may lalaking malakas ang loob manligaw. May tulips pang dala. Ulol? Brader po ako. Akin na lang yung flowers bibigay ko sa Gf ko. Magkapangalan pa tayo, BERTS! ako din si BERTS pare!

Bawal ako lumabas mag isa. Kelangan may body guard, pati Gf ko dumadami ang nagpapakilala sa kanya. Wala na kaming privacy. Ang hirap makipag date with her. Naks.

Pero hindi nga, nasabi kasi ng Gf ko kanina na gusto niya manalo sa lotto. Yun totoo. AKO RIN.  Bibigyan ko parents ko ng tig 2 million, si ate 2 million din. Yung natira samin na ng gf ko yun. Pangsakal namin, pang world tour, magtatayo kami ng business (sakanya ko ipapangalan - para siya habulin ng BIR - Joke lang love). Magdodonate ako sa yolanda victims. Ipapapublish ko mga sinulat ko. Mag aacting class na ako. Lahat mabibili ko pati si ANNE CURTIS.

Pero paano naman ako mananalo sa lotto?
Hindi naman ako tumataya.

Mananalo ako.
Mananalo ako.
Mananalo ako.

No comments:

Post a Comment