5/3/20

PIKON AKO. NAPIPIKON NA AKO.

May nakapag sabi sa akin na ang pinapatupad ng Phil Health ay maikukumpara sa isang robbery in broad daylight. Gusto kong magalit dahil ang dating contribution na PHP 2,400 kada taon ay ngayong magiging 3% ng iyong monthly basic salary. 

Nung kinocompute ko ang halagang babayaren ko aabot siya ng PHP21600 at nabasa ko pa na tumataas annually ang mandatory payment na ito. Ayoko na mag compute dahil may binabayaran pa nga akong property.

Gusto kong maging optimistic lalo na sa nangyayare ngayon. Dahil ang iba nating kababayan ay kasalukuyang NO WORK / NO PAY NGAYON. Ang iba pa nga ay nangangailangan talaga ng ayuda. 
Speaking of AYUDA, wala kaming natanggap. Kami pa naman ang modern day hero ika nga ng bansa, kami pa ung less priority. Anyhow. Grateful pa din ako kasi ung kumpanya ko ok pa sa ngayon at ay ipon ako kahit papaano. 

Pero sige, anu nga ba mapapala namen sa mandatory contribution??? 

Mabuti yung mga employed sa Pilipinas hati ang empleyado at employer sa contribution.

Samantalang kaming OFW papasanin mong mag isa. Sa isip ko lang, bakit ko ipapasan ang hospital bills ng mga pasyenteng hindi naman nagcocontribute sa pondo? tska bakit sila nakakaboto! dapat talaga tax payers lang nakakaboto dibaaaa??!  

Isa pa, kaming mga OFW hindi naman nakikinabang sa Philhealth dahil wala naman KAMI JAN! 
HALLER! Bakit ko babayaran ng Philhealth magagamit ko ba dito yaaaaan?! Magagamit ko ba yan pag umuwe ako? ipprioritize ba kaming OFW jan??? WHAT! answer!!!

Pangalawa, meron naman akong health insurance dito! Fully comprehensive pa. Anhin ko yan???

Hay Phil health, Phil Govt. at this point gusto ko si Pangulong DU30 sumagot. 
Tatay Digs, Gatasan ba kami ng pondo? wag naman ganon. Gusto ko pa mag ka family, gusto ko pa mag ka anak.(Drama aside). 

Bakit di kayo gumawa ng ibang paraaan? bawasan ang pondo ng kanilang mga opisina para ipondo sa Philhealth. Bakit naipasa ang batas na yan na walang konsultasyon sa mga OFW???? 

Maganda sana ang layunin na ito, para gumanda ang Health Care system ng pinas, pero hindi maganda ang paraan ng pagkalap ng pondo.

Ang masaklap pa nito, iinteresan ang di mo nabayarang contribution at may penalty pa. Higit sa lahat di ka bibigyan ng OEC kung hindi ka nakabayad.

SO AYON? Bakit parang kasalanan namen??? 

nakakapikon. pikon ako, minsan nahihirapan nakong maging proud to be pinoy. 


No comments:

Post a Comment