Nasimula ito sa isang kanchawan. Sabi ni ano kamukha ko daw siya. Nilingon ko naman, tinitigan at natawa, “shuta oonga ano” sabi ko sa sarili ko. Simula noon, may naramdaman na akong kakaiba. Di ko alam kung napansin niya iyon pero totoo nga naman. Me resemblance kami ni ateng.
Hindi ko naman ito naramdaman noon nung nagprapractice kami ng
basketball sa Nad Al Shiba. Noong araw na lang na iyon, noong one day league to
be specific, saka ko lang narealize. Onga, maganda pala siya. Edi maganda din
ako. Haha!
Ansaya ko nung inaya niya ako kumain after practice, hindi ko alam
of all players, bakit ako ang inaya niya, hindi naman ako super star player,
hindi naman kami super bffs, well di ko na alam. I doubted a couple of times, baka
friendly lang talaga siya. Ako naman si haraught ng very light, observe lang muna, tropa mode
lang ito, baka super twins lang talaga kami.
Me na didinig akong mahal pa raw niya ang ekis nya at simula noon,
kahit alam kong gusto ko na siya, tinatak ko na sa isip ko na hindi kami
posibleng maging mag jowa hanggat hindi niya bibitawan ang ekis niya. Paano ba
naman siya makakamove on nito? katxt pa ang ekis at ako ang kasama sa tipar.
Hindi man lang uminom. Ika nga kapag may alak may balak.
Cringe ng very light. Magkasama sila sa pinas. Nagkita sila sa
pinas. Nagbakasyon nga pala siya sa pinas. Ayoko na. Balik tayo kay Miss
Singapore crush ko. Errr… Team mate niya lang ako nothing more and nothing less
paulit-ulit kong iniisip iyon. Tuwing nag-ppractice gusto ko pa rin na kakampi
ko siya, kasi sa ganong paraan, hinahanap hanap niya rin ako, para pasahan ng bola.
Aminado, hindi na ako kasing gilas noong kabataan ko sa
pagbabasketball. Pero tuwing kalaro ko siya, parang bumabalik ang nais kong makapag
laro uli. Gumigilas daw ang paglalaro ko. Parang gusto ko pag-sikapan na makasama
siya at manalo kami ng sabay. Pero asa kabilang team daw siya sumali, hindi na
saamen. Nakakaloka. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan volume 3.
Baka nga, isang team mate lang ako, kalaro lang. Ayoko mag isip ng kalalagyan ko sa buhay niya. Pero isang araw nagparamdam siya. Paramdam na hindi ko naman ineexpect. Aaminin ko, kinilig ako. Hindi ko alam kung joke time ba ito. Hanggang sa natuloy ito. Habang tumatakbo kami, kwentuhan naman kami, nakakatawa, kaliwa ang injury niya sa tuhod ako naman sa kanan. Anak ng tipaklong. Bakit ako kinilig uli.
Mali ito, Berting, brace yourself, ayaw ko maging kabit. Wait kabit? no! single daw siya. After namen
mag jog sa kite beach, napag-usapan namen ang kanyang ekis. Kinamumuhian niya
ito at sinabing hindi na niya ito muling kakausapin. Siya ang dahilan ng
pgbagsak niya sa lahat. Kumbaga si ekis niya ay parang blood sucker, pero parang
bet niya naman mag paubos ng blood. Madami siyang dugong maibibigay pa.
Napuno ang isip ko ng tension, hindi pa siya over sa ex niya. Volume
4 na to, itodo mo na ses. Sana nga hindi na niya kausapen. As per her, binlock na daw niya. Ako din
pala hindi pa over sa ekis ko. Pero binlock ko talaga. Kasi weak ako. Alam ko yon. Maya maya, nakarating na kami sa maliet na Basketball court. Literal pang midget na court. Nakakatawa kasi kahit ganon, ang solemn,
kaming dalawa lang. Kinilig na naman ako.
Can I just doubt more? In fairness hindi niya pinakialaman ang phone niya. Kasi nung huli kaming magkasama. Katxt nga niya diba. Until nagshawarma kami, after shawarma, naisipan namen puntahan ang isa kong player, player na mejo hawig nameng dalawa din, haha..na nagwowork sa coffee shop.. Dinayo namen siya, kahit antok na antok na siya, she was with me, and to me it was enough, ung presence niya lang.
Binigyan kami ng milk tea ng player ko, nanghingi siya ng yosi, binigyan niya ng yosi si
ateng ko. Eh dahil super good boy ako, walang lighter si Koko(sasakyan ko). Mejo
naturn-off ako, kasi ayaw ko sa naninigarilyo. L Volume 5? mehh malakas naman siguro to, hindi naman weak sa practice hindi man nagpapa - sub. hahah!
Hinatid namen si player ko. After noon, Ihahatid ko na siya sa kanila. Hindi ko na maalala ang usapan pero naalala ko na lang asa loob ako ng kwarto niya. Bagay na kabang kaba ako. Kalma. Hindi
ako masamang tao. Napakalinis ng intension ko. I don’t ano on first dates. Pero date
nga ba iyon?? Sabaw ako. Gusto ko sana iclarify. Kaso wala akong guts to do so.
Sira ang kanyang TV. Inoffer ko samahan siya kun
san niya bnili ang TV niya. Pero nagawa naman niya ipare-pair ng wala ako kinabukasan. May mga kwento siya na tugma sa aken, I felt we can be a power couple. We
even thought about going to gym together, spending her birthday in Azerbaijan, we both have plans to settle in Canada, ain't that cute? SO...
After that day, I want more of her. Ayan na naman siya, magtetext
kung kelan niya gusto. Volume 6. Pero hindi ko siya jowa, kalma self, baka asa
duty, night shift, health care worker, yah nag txt ako sa kanya pero active
naman siya. Volume 7... No response is a response. Maybe the ex is around again. So ignored na naman si Berting.
Pero, sama siya ng sama sa practice ng team ko. Pinaalam ko pa sa manager ng team kung pwede, hahaha ayaw niya nung una pero ok na rin. Bakit siya samen nakikipractice? Masaya lang talaga sa Buddies(my crew).
Until nag
bakasyon ako sa Georgia kasama ang 2 kong players. Patuloy ang kanyang pag
react sa aking stories. Pag comment sa aking vlog at photos. Baka ako na naman ang nagaasume. Lord anu ba ako sa
buhay niya? Naalala kong dinasal sa Trinity Church, kung sino man ang para
saaken. Kayo na bahala lord.
Days passed by, until one day, ung player ko na nagwowork sa coffee shop said alis daw kami sa pasko. I was like, Pasko? Wait, with? Ha? Kasama siya? Pero sabi ng profile niya in a relationship siya. Ayoko na, nilalaro niya naman ang feelings ko. Volume 8.
Ayaw pala nila, nilang team mates ko sa kanya,
ung iba ayaw naman siya ijudge kasi hindi naman nila kilala si ateng. Isa lang ang super pabor saamen, at umuwe pa ng Pilipinas. Si Coffee boy, na nagbigay ng milk tea. Pero
dahil gusto ko siya, sumugal pa din ako. Lord give me a sign. Pag ito natuloy. Akin na
siya.
One thing led to another, lasing kami, bagay na ikinagulat ko kasi alam ko may pasok siya kinabukasan, single daw siya, noong pauwe na kami, hindi nag-start
sasakyan ko. Hahaha! Ito na ba yon lord? Ito na ba?
After Christmas, I tried so bad to maintain the connection. Pero
sabi ko nga, bakit ko ippush ang bagay na baka nga naman hindi talaga ppwede. Dapat magkasama pa kami ng 30-31, so and so… I
found out as well na may tinorotot ang kanyang ekis whilst sila pa. Sad noh,
pero mas sad ung sabi niya hindi na sila naguusap, pero sabi niya nasaktan siya
at naiyak na lang siya. Ilang beses siya nag lie saken, ilang beses niya kinaen
ang sinabi niya saaken, nagppost pa siya ng story na magkausap sila. Nag post ng tiktok video na ang sweet and that's Volume 9 people. I completely ignored the red flags and became very empathetic towards her. I just didn't care, kasi alam na alam ko ang nafefeel niya. I want to save her. Kaso Volume 10, eto na yung bulag na bulag ka na sa love, kasi putang ina mahal mo nga eh.
Nattached lang siguro ako at parang bet ko pa alisin ung pain na
nafefeel niya. Pero anung magagawa ko, kung ang kalaban ko ay mahal niya talaga
ung ekis niya. I shrugged it off kasi I wanted her to want me back at least. I wish we can still talk pero alam ko where I stand. I can't deny the fact that I miss her. I just happen to know my worth, kasi I know I am the fucking prize, I must admit, my heart will remain, open, somehow for her.
Uncertain. Parang niligtas na talaga ako ni Lord at ang aking angels, nagkasakit siya bigla,
I helped her without hesitation. Kako “Lord, ito na 2023, huli na ito siguro, last
sign”.
Bago ko pa maramdaman na mahal ko na siya, I had the answer in one look. Napaka daming volumes = dahilan para umiwas ako, pero yung araw na iyon. Yun na yon. This is it. I am not the one.
Kasi maybe, just maybe, it’s a no for now. Kung hindi pure ang intensions niya saaken, kung hindi siya para saakin lamang. Huwag na lang. Itutuloy ko ang pagiging kalaro niya sa basketball. Wag na lang ako, dalangin ko. Titigil na ako umasa, kasi sa panahon ngayon hindi ko na alam kung love ba na pinapakita saten is pure, is it even love nga ba? Love should be pure, sincere, and unconditional.
Self
love is not selfish. I am just guarding my heart. I don’t want to see myself
again begging for the love na hindi pala sa’kin at hindi kailanman magiging
akin. I don’t want to chase someone anymore, kasi sa kakahabol ko mas lalo
itong lumalayo. Nakakatakot to see myself again being blinded by the love na
akala ko totoo, akala ko ako lang. The love I thought it will be reciprocated
but not.
But I will not stop waiting for the love that is really worth the wait. The love that is sincere, pure and worth to risk. Ang pag-ibig na hindi ko hinihingi, kusang binibigay. Yung hindi ko kailangang maghabol dahil kusa itong lalapit sa akin. I will keep on praying for that love. And to that person who destined for me, kung siya man iyon, kung sino man siya, wherever you are just enjoy the phase of life you have. We’ll see each other in the end of the lines “babe” “mahal” “love” blahhh and lahat na ng endearment kasi, ikaw sana na ang last hooray ko.
Let
the stars align for us, if we were meant for each other the universe will find
a way. But now let's just have ourselves first, sarili muna natin. When the time
is right when love is right.