9/10/16

Dear Dad



Kamusta ka na jan sa Qatar? To think ilang tambling lang papunta dito sa Dubai from Qatar. Minsan gusto ko sabihin na bisitahin mo naman ako. Kaya lang di ko na maintindihan na raramdaman ko saaten. Angyare? Para bang lahat na lang ng sabihin mo kahit sincere na yata, hindi ko maabsorb.

Iniisip ko kanina habang nagmamaneho ako pauwe. Parang kailan lang, high school ako, lagi mo akong hinahatid at sundo. Nung high school ako lagi akong late, sobrang bagal mo Dad pramis! Si Mother love naman ayaw nalalate. Late na nga ako pumasok, late mo rin ako sunduen. Eshada Mr Jorge..

Eto tamad pa rin ako mag drive. Ayoko talaga mag drive, Ikaw pa rin ang best driver. Ikaw pa rin ang the best kausap sa sasakyan. Andami mong alam Dad, from politics, ugali ng tao, how to manage people, things, the best ka mag advise. Nakikinig ako palagi sayo, proud ako namana ko sayo ung pagiging vigilant. Planning ahead, napaka technical/realistic mo sa lahat. Tska sobrang funny mo pa, kaya siguro na fall si mother love sayo. I think namana ko naman sayo yun. Naks, lol. Ikaw na malakas dating. Malakas dating, Verangaling!

Napansin ko rin mejo parehas tayo ng ugali pag namimili ng damit, gamit, anik anik, pag bibili ako ng bagay, lagi kong iniisip kung kelangan ko ba, talaga, saan, mura ba? Ok. Next time na lang. Nilalagnat din ako Dad pag maglalabas ng pera. Diko alam, bunso kasi siguro tayo, nasanay ng nililibre? binibili? Whatchutink? Nasanay tayong sinasabihan ng magagandang bagay, masaya na tayong pinupuri. Miski joke. haha! toink. Mababaw lang tayo. I mean, grateful lang sa mga bagay bagay.

Lagi tayong nag uusap noon noh? Araw at gabi. Pinagtatawanan pa natin si Mami pag trip mo siyang asarin. Pero at the end of the day, kay Mami ako nasama. Mami ko siya eh, bat ba. hehe! Kaloka noon ano? Bukas pala dadalw ka. Pinagppray ko na sana walang bad vibes. Nako dad, san ka kaya matutulog, sa kwarto ko or kay mami. Anlakas niyo pa man din mag hilik. :( Bahala na bukas! jusko anu na sira pa man din headset ko.

Pero gusto ko lang naman sabihin, thank you, sa lahat ng sakripisyong ginawa mo samen, parang kalahati ng buhay mo asa abroad ka, isang buwan ka lang nauwe kada taon,

Ang saya ko kasi nakasama kita ng 4 na taon. Nakilala kita di lang sa snail mails, voice mails at emails.At senior ka na nag ttrabaho ka pa, uwe ka na, mag alaga ka na lang ng apo.Love you architech jorge, alam ko hindi ko nanasasabi yon. Sabi nga ni Ronan Keating - when you day nothing at all. charot. anlabo.

See you bukas. Bawal manita.
kalma.

Berting - your unico IJO



No comments:

Post a Comment