3/28/12

Closure



Had the saddest closure with my ex yesterday, I didn't expect na pupunta siya sa bahay while I was sleeping on our couch mga 4 or 5pm yata un. May sakit kasi talaga ako, nagulat lang ako kasi she works for 10hours sa office and there she was beside me, crying, maga rin eyes. Parang sinuntok ni Manny Pacquiao!

Ang haba ng hair ko, pag gising ko anjan na siya.

I guess hindi naman masama mag makaawa pag mahal mo yung tao na bumalik sayo after niya mag pa ka ass-traunot(sorry sa spelling lol). I had this feeling na hindi na siya babalik, masakit talaga isipin. Kasi this time na-explain niya ng maayos. I am happy kasi nasabi na niya, at the same time ang unfair kasi sinasamahan pa niya ako. Sasamahan daw niya ako til dumating si Teng(yaya ko).

She said I can love anyone and don't wait for her kung may dumating, pero mageselos daw siya. She just needed answers, she said I was her best friend, she loves me kasi tomboy daw ako, that I was the best tomboy ever, hindi daw kami tatagal kung hindi niya ako mahal, wala daw siyang iba, wala pa I guess. She said things about us that I couldn't Imagine doing without her. I wanted her out of our house, pero I begged her to stay.

Bakit hindi ko daw siya nirereplayan. Hindi ko sinasagot tawag niya.

Eto lang naman ang tamang sagot.

.............kasi ang sakit talaga.


Ang ganda mo talaga, Pag balik mo hindi ka na siguro bonjing, gorgeous ka na.

Pag bumalik ka, hindi ka na mag babayad ng bill, swear hindi na kkb, ako na lang.

Pag bumalik ka hindi ka na mapapahiya sa officemates mo kasi long hair na ulit ako, may color na hair ko, naka pearls na ako palagi.

Pag bumalik ka, pagandahan tayo ng LV, Gucci, at Long Champ.

Pag bumalik ka hindi ka na iiyak, iiyak sa tawa oo.

Pag bumalik ka hindi na kita uutusan, hindi ako mag dedemand kasi madami na akong julalay nun, secretary pa.

Pag bumalik ka marami na tayong conjugal property, bahay, lupa, business, name it, its ours.

Pag bumalik ka hindi na tayo tutungo kahit kanino, pag balik mo your goin to be proud of me.

Pag bumalik ka tomboy pa rin ako na nag mamahal sayo, kahit may anak ka na nun mahal pa rin kita.

Kahit sobrang talo ako, ok lang, maiintindihan ko.

Mahal na mahal kita. Alam mo yun. Ang sakit kasi talaga. Pero salamat sa closure.

Balik ka please.

3/26/12

Sana

Sana hindi na lang ako. Line running in my head. Heart aching, its difficult to breath. I know I can make it on my own, its just so hurting to know that I could not be the one next to anyone after years. Don't worry. Ill be fine.

Mommy wag ka na magalit kay Daddy, daddy kasi sinungaling siya. Ako din kasi sinungaling. Tomboy ako dati pa. Sana hindi na lang diba? I am so sorry mommy if you are disappointed. I tried not to, but I couldn't lie to myself anymore. Nasasayangan ka na ba saakin? Sayang ba ako? Galit ka ba? Ayaw mo na ba akong makita? Aalagaan na lang kita, kayo ni daddy, kahit naririndi ako sa away niyo. I am so sorry tomboy kasi ako. Pero sana mahalin mo pa rin ako kahit ganto ako.

Daddy, sorry tomboy ako. Sorry kung naiinis ako sayo, sobra kasi kitang Idol. Hindi ko kasi matanggap na ang unang lalaking minahal ko niloko kami nila ate at mommy. Sana magpaka lalaki ka naman. Pwede naman mag sorry. Sorry kung mapapahiya ka sa mga kapwa mo engineer, architech sa mga kumpare mo na nagagandahan sakin pero paparinggan ako na maganda nga tomboy naman ako. sorry talaga, pero bakit mo ako hinahayaan masaktan nila? babae kasi ako dad e, yung ang problema, hindi ako junyor mo. Sorry hindi ako nag architecture panget kasi ako magsulat. Hindi ko kaya stress mo, galing mo mura murahin si muktar naaalala ko pa un. Sana lalaki na lang ako, para ok lang ang lahat ano? ok lang mag sinungaling, mambabae, bumagsak, manigarilyo, mag pa tattoo, maging mataba at pwedeng hindi na mag sorry. Sorry kung nafeefeel mo na ikaw na lang palagi ang nagbibgay, pero sana maisip mo tatay ka e. responsibilidad mo kami. sorry pag nilalaet ka namin minsan ni ate pero sana naisip mo, pamilya mo kami at nasasaktan kami dahil hindi mo kami pinapahalagahan. Tulad nitong bahay? sana dati pang maayos. kung hindi pa sinabi ni ate na mamamanhikan sia kuya rain hindi mo pa papipinturahan. sana dati mo pa pinunturahan para wala nang repair repair. wala nang patchi patchi. Maayos - tapos. Verangaling tayo e!

Sana hindi na lang ako tomboy Mommy at Daddy. Mabibigyan ko pa kayo ng mga apo. Pero ito proud ako sa sarili ko mommy at daddy, kasi hindi kami naging dalagang ina ni ate. Daddy you be proud of mommy, she was with us since we were kids. I hope we could go back at sana pinili mo dad na mag stay dito with us. I used to believe in Long Distance Relationship, you've come so far to leave it all behind. From voice tapes to facebook. Here we are lost in love. Family turned nothing. Its so hurting. Frustrating.

Ate, mahal na mahal kita. Salamat sa supporta sa kaartehan ko, kalabuan, pasensya. Ikaw yung ate na sobrang baet, ayaw ko ng kuya, gusto ko ate ko. Mga lalaki kasi sabi ko nga delayed ng 5 years. Sorry kung ganto ako ah? Sorry kung mas may attention ako kay mommy, bunso kasi ako. Kung Idol ko si Daddy mas Idol kita e. Ikakasal ka na din pala, sobra akong naiingit sana maging maayos ang pagiging mag asawa ninyo ni kuya rain. Makikinig ka sakanya ha? mag uusap kayo wag mo siyang tutulugan pag inis na inis ka na. Wag mo gayahin sila mommy at daddy. Love is unconditional ika nga. Ang swerte swerte mo hindi ka tomboy. Magiging maayos buhay mo, sana straight din ako tulad mo. Sorry sana hindi ako tomboy.

Sa lahat ng kapamilya. tomboy po ako. Sorry sa pag papanggap sorry sa pagsskirt on ocassions kasi ayaw kong mapunang tomboy ako. Sorry sa make up. Sorry sa pagirly voice. Sorry.

Ikaw mahal na mahal kita, gusto ko masunod mo gusto mo. Ayaw ko maging hindrance sa gusto mo. Sorry kung demanding ako, sorry kung tinulugan kita, kung napapahiya ka sa officemates mo, sorry talaga, mahal na mahal kita alam mo yun. Ikaw yung unang nagpahalaga ng talents ko, u raised me up when I am so down. You helped me grow, live and be happy. Thank you for having the courage to tell me whats bothering you. You are so kind, beautiful, smart, reliable, efficient.... you deserve a man, not me. hindi ako lalake, tomboy ako. sorry tomboy ako. sorry sorry mahal kasi kita. Wag mo ko mahalin ulit kasi naawa ka, hindi mo deserve masaktan. mahal kita, gusto ko happy ka.

Sa mga kaibigan ko salamat kasi natanggap niyo ako. Tanggap niyo na ayaw ko sa lalaki. Tanggap niyo ko sa ugali kong demanding, manhid, incensitive. Sorry tomboy ako.

Sinubukan kong maging hindi. Pero sorry talaga.

Sa mga lalaki na pilit akong ginagawang babae. Sorry talaga hindi ko kaya mag mahal ng tulad ninyo. Tigilan niyo na ako. Sorry masakit sa mata ninyo, sorry kung naiinsulto kayo kasi maganda naging gf ko at wala kayong gf. Sorry ang ganda ko kasing tomboy. Sorry mas gwapo ako sainyo.

Sa mga tomboy at baklang insecure. sister at bro? anu ba? kabaro ninyo ako bakit kayo naiinis? Wag naman ganun. Isa lang ang pinaglalaban natin at yun ay ang mag mahal ng malaya.

Sana hindi ako tomboy, sana hindi ganito kasakit. Sana matanggap ako, ang unfair ng world. Sana in time wala nang masasaktan na bakla or tomboy. Sana wala nang suicidal na tomboy at bakla. Sana pwede rin ako ikasal, mabuntis ng babae. Sana hindi na ako mainis sa mga lalake. Sana hindi ako mag ka cervical cancer. Sana wala na akong marinig na sayang ako. Sana makapag lakad ang mga tomboy at bakla sa altar ng catholic church kasama partner nila. Sana hindi na kami kainisan para wala nang nagatago at nasasaktan. I am so sorry, tomboy kasi ako sa kilos sa salita at sa gawa.