Sana hindi na lang ako. Line running in my head. Heart aching, its difficult to breath. I know I can make it on my own, its just so hurting to know that I could not be the one next to anyone after years. Don't worry. Ill be fine.
Mommy wag ka na magalit kay Daddy, daddy kasi sinungaling siya. Ako din kasi sinungaling. Tomboy ako dati pa. Sana hindi na lang diba? I am so sorry mommy if you are disappointed. I tried not to, but I couldn't lie to myself anymore. Nasasayangan ka na ba saakin? Sayang ba ako? Galit ka ba? Ayaw mo na ba akong makita? Aalagaan na lang kita, kayo ni daddy, kahit naririndi ako sa away niyo. I am so sorry tomboy kasi ako. Pero sana mahalin mo pa rin ako kahit ganto ako.
Daddy, sorry tomboy ako. Sorry kung naiinis ako sayo, sobra kasi kitang Idol. Hindi ko kasi matanggap na ang unang lalaking minahal ko niloko kami nila ate at mommy. Sana magpaka lalaki ka naman. Pwede naman mag sorry. Sorry kung mapapahiya ka sa mga kapwa mo engineer, architech sa mga kumpare mo na nagagandahan sakin pero paparinggan ako na maganda nga tomboy naman ako. sorry talaga, pero bakit mo ako hinahayaan masaktan nila? babae kasi ako dad e, yung ang problema, hindi ako junyor mo. Sorry hindi ako nag architecture panget kasi ako magsulat. Hindi ko kaya stress mo, galing mo mura murahin si muktar naaalala ko pa un. Sana lalaki na lang ako, para ok lang ang lahat ano? ok lang mag sinungaling, mambabae, bumagsak, manigarilyo, mag pa tattoo, maging mataba at pwedeng hindi na mag sorry. Sorry kung nafeefeel mo na ikaw na lang palagi ang nagbibgay, pero sana maisip mo tatay ka e. responsibilidad mo kami. sorry pag nilalaet ka namin minsan ni ate pero sana naisip mo, pamilya mo kami at nasasaktan kami dahil hindi mo kami pinapahalagahan. Tulad nitong bahay? sana dati pang maayos. kung hindi pa sinabi ni ate na mamamanhikan sia kuya rain hindi mo pa papipinturahan. sana dati mo pa pinunturahan para wala nang repair repair. wala nang patchi patchi. Maayos - tapos. Verangaling tayo e!
Sana hindi na lang ako tomboy Mommy at Daddy. Mabibigyan ko pa kayo ng mga apo. Pero ito proud ako sa sarili ko mommy at daddy, kasi hindi kami naging dalagang ina ni ate. Daddy you be proud of mommy, she was with us since we were kids. I hope we could go back at sana pinili mo dad na mag stay dito with us. I used to believe in Long Distance Relationship, you've come so far to leave it all behind. From voice tapes to facebook. Here we are lost in love. Family turned nothing. Its so hurting. Frustrating.
Ate, mahal na mahal kita. Salamat sa supporta sa kaartehan ko, kalabuan, pasensya. Ikaw yung ate na sobrang baet, ayaw ko ng kuya, gusto ko ate ko. Mga lalaki kasi sabi ko nga delayed ng 5 years. Sorry kung ganto ako ah? Sorry kung mas may attention ako kay mommy, bunso kasi ako. Kung Idol ko si Daddy mas Idol kita e. Ikakasal ka na din pala, sobra akong naiingit sana maging maayos ang pagiging mag asawa ninyo ni kuya rain. Makikinig ka sakanya ha? mag uusap kayo wag mo siyang tutulugan pag inis na inis ka na. Wag mo gayahin sila mommy at daddy. Love is unconditional ika nga. Ang swerte swerte mo hindi ka tomboy. Magiging maayos buhay mo, sana straight din ako tulad mo. Sorry sana hindi ako tomboy.
Sa lahat ng kapamilya. tomboy po ako. Sorry sa pag papanggap sorry sa pagsskirt on ocassions kasi ayaw kong mapunang tomboy ako. Sorry sa make up. Sorry sa pagirly voice. Sorry.
Ikaw mahal na mahal kita, gusto ko masunod mo gusto mo. Ayaw ko maging hindrance sa gusto mo. Sorry kung demanding ako, sorry kung tinulugan kita, kung napapahiya ka sa officemates mo, sorry talaga, mahal na mahal kita alam mo yun. Ikaw yung unang nagpahalaga ng talents ko, u raised me up when I am so down. You helped me grow, live and be happy. Thank you for having the courage to tell me whats bothering you. You are so kind, beautiful, smart, reliable, efficient.... you deserve a man, not me. hindi ako lalake, tomboy ako. sorry tomboy ako. sorry sorry mahal kasi kita. Wag mo ko mahalin ulit kasi naawa ka, hindi mo deserve masaktan. mahal kita, gusto ko happy ka.
Sa mga kaibigan ko salamat kasi natanggap niyo ako. Tanggap niyo na ayaw ko sa lalaki. Tanggap niyo ko sa ugali kong demanding, manhid, incensitive. Sorry tomboy ako.
Sinubukan kong maging hindi. Pero sorry talaga.
Sa mga lalaki na pilit akong ginagawang babae. Sorry talaga hindi ko kaya mag mahal ng tulad ninyo. Tigilan niyo na ako. Sorry masakit sa mata ninyo, sorry kung naiinsulto kayo kasi maganda naging gf ko at wala kayong gf. Sorry ang ganda ko kasing tomboy. Sorry mas gwapo ako sainyo.
Sa mga tomboy at baklang insecure. sister at bro? anu ba? kabaro ninyo ako bakit kayo naiinis? Wag naman ganun. Isa lang ang pinaglalaban natin at yun ay ang mag mahal ng malaya.
Sana hindi ako tomboy, sana hindi ganito kasakit. Sana matanggap ako, ang unfair ng world. Sana in time wala nang masasaktan na bakla or tomboy. Sana wala nang suicidal na tomboy at bakla. Sana pwede rin ako ikasal, mabuntis ng babae. Sana hindi na ako mainis sa mga lalake. Sana hindi ako mag ka cervical cancer. Sana wala na akong marinig na sayang ako. Sana makapag lakad ang mga tomboy at bakla sa altar ng catholic church kasama partner nila. Sana hindi na kami kainisan para wala nang nagatago at nasasaktan. I am so sorry, tomboy kasi ako sa kilos sa salita at sa gawa.
No comments:
Post a Comment