3/6/25

Life Update: Healing & Moving Forward

I refuse to dwell on the past. I've made a promise to myself—one of healing, and that healing has taken time. It's cost me patience, long nights, breakdowns, and countless prayers. It's been a journey of self-doubt, but also one of immense growth. I've learned so much along the way.

But here's the thing: I won't let the past break me anymore. No one can break me anymore. I've built the strength to stand on my own, and no amount of abuse, judgment, or negativity can touch what I've worked so hard to protect.

I know some might label me as bitter, but the truth is, I'm not bitter. I’m simply guarding the peace I’ve fought for. The peace I’ve prayed for. I’ve worked tirelessly to get to this place—where I can move forward with grace, joy, and strength.

So if anyone feels the need to apologize to me, go on, just go on, that’s fine, but honestly, I don’t need it.

I am so over it. I can't even remember some details. 

I’m focused on the present and future. My connection with Jesus has deepened in ways that words can’t fully describe, and it's from that place of inner peace that I now live. I’m embracing life with gratitude, fighting the lingering traces of anxiety, and reclaiming my freedom.

I’ve learned to protect my peace and remain centered, especially when dealing with those who take it for granted. I’ve realized that it’s not about them—it's about me, my healing, and my growth. I’m here for the life I’m building, and I'm not letting anything—or anyone—stand in the way.

And I feel so incredibly blessed. After everything I’ve been through, the greatest blessing I’ve received is the ability to love deeply again, to be loved, and to have that love returned. Maybe this is what it was all leading to, my own definition of a successful life. I’m just so grateful—so grateful for this chapter, for the love that fills my heart, and for the peace I’ve fought to create.

1/31/25

I am Enough

There’s a quiet kind of power in realizing that you are enough. Not in an arrogant, over-the-top way, but in the deep, unwavering understanding that you are doing your best—and that is enough.


Still, the world has a way of making us question that.


Some people will see you as exceptional, incredible, one of a kind. Others won’t. And that’s okay. You weren’t made to fit into every mold or please every eye.


Sometimes, you fit into a place, a group, a role—yet something feels off. Just because you fit doesn’t mean you belong. And that’s not failure. That’s clarity.




I am enough. Not because someone else says so, not because I meet someone’s impossible expectations, but because I show up. Because I give my best, even when it goes unnoticed.


I won’t measure my worth by someone else’s vision. I won’t shrink myself to fit spaces that don’t truly hold me.


I hope for the best, always. I keep going, always. Because I know I am doing my best.


And even if not everyone sees it, even if not everyone understands—I am damn enough.

1/19/25

Panalangin ng Pag-Asa.




Ang buhay natin, panay sorpresa—minsan ng kasiyahan at tawa, minsan naman ng sakit at pagkalito. Habang sinusulat ko ito, napaka bigat sa aking puso at isip, hindi ko mahanap ang tamang salita. Paano ko ba sasabihin ang sakit ng makita ang paborito kong pinsan ay nagkakaganito.


Hinahangaan ko siya, noon pa man, ang aking pinsan ay napaka masayahin. Para saakin siya ang pinaka matalino sa magkakapatid nila, noon pa man, ang galing mag play station, ang galing magbasketball, halos lahat na yata ng laro, nalaro ko na kasama siya, sa kanya ko yata nakuha ang pagka sporty ko at kaalaman sa mga eskinita ng Paete. Mga food trips sa Paete. Alam niya lahat doon. Pag naluwas kami ng ate ko sa Paete para magbakasyon, lagi niya akong binabati ng mga ngiti. Mahal ko ang pinsan ko na yan. Tropapips kami. Magkakampi kami palagi. 


Ang kanyang tawa ay kayang punuin ang anumang lugar at ang talas ng kanyang isip ay nagdadala ng liwanag sa bawat usapan. Ang dami niyang alam sa mundo para saaken. Sa pagaalaga ng aso, isda, sapatos, damit. Siya ang star ng pamilya —isang makinang na liwanag na lahat ay naaakit. 


Napaka charming niyan, ang daming talent. Nagsakristan pa nga siya at tinuruan ako ng pagdarasal. At pasikot sikot ng simbahan sa paete.


Ngunit sa hindi inaasahang paraan, naging masyadong mabigat para sa kanya ang mundo. Unti-unti, tumahimik, siya ay nagsimulang umatras sa mga laban, ang dating palaban, nanahimik na lamang. 


Ang kanyang tawa ay naging bihira, ang ningning ay nawala, at ang dating masigla, biglang humina. 


Noong una, hindi ko maintindihan—akala ko ordinaryong pagsubok ng buhay ang kanyang pinagdadaanan. 


Ngunit ngayon, nalaman ko na mas mabigat pala ang pasan niyang problema kaysa sa inakala ko.


Kamakailan ko lang nalaman na matagal na pala siyang nakipaglaban siya sa masamang bisyo, isang bagay na itinago niya sa karamihan. Parang bagyo ang tama nito sa ating katawan lalo na sa ating pag-iisip. 


Paano nangyari na ang isang napakatalino at masayahin, madiskarte, madasalin ay napunta sa madilim na lugar na ito? 


Pero naunawaan ko rin na ito ay hindi kahinaan o kabiguan—isa itong sakit, isang malupit na magnanakaw ng kasiyahan, lakas, at pag-asa sa buhay.


Ngayon, unti-unting humihina ang kanyang katawan. Sa mga kumplikasyon, ang pinsan na kilala ko—ang kayang magpasaya ng kahit sino sa kanyang katalinuhan at karisma—ay tila anino na lamang ng kanyang dating sarili. Ang sakit nito ay hindi ko maipaliwanag. Hindi ko matanggap bilang kamaganak. Paano na lang ang nararamdaman ng aking tita at tito, at iba pang pinsan?


Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pinapayagan ang sarili kong mawalan ng pag-asa. Araw-araw akong nagdarasal para sa kanya, naniniwala na may liwanag pa rin para sa kanya, kahit gaano man kadilim ang mundo sa ngayon. 


Ipinapanalangin ko ang kanyang kaginhawahan, ang kanyang paggaling, at ang kanyang kapayapaan sa mga natitirang oras na mayroon siya.


Sa sinumang makakabasa nito, hinihiling ko rin ang inyong mga panalangin. Ipanalangin natin hindi lamang ang aking pinsan, kundi ang lahat ng taong pakiramdam ay nawawala na sa bigat ng mundo. Ipanalangin natin ang kabutihan, pang-unawa, at lakas na abutin ang mga naliligaw. 


Hindi natin alam kung anong mga laban ang pinagdaraanan ng bawat isa.


Pinsan, kung sakaling mabasa mo ito, tandaan mong mahal kita. Hindi ka kailanman magiging kabuuan ng iyong mga hirap o sakit. Para sa akin, ikaw pa rin ang masayahin at makinang na tao na hinahangaan ko noon pa man. 


Patuloy akong mananalangin para sa iyo, habang iniingatan sa puso ko ang masasayang memories ng kabataan natin. 


At kahit andito ako sa ibang bansa, puso’t isip ko ay patuloy kang iniisip. Laban pyco