9/14/23

Kape

Wrote this March 28, 2023





Gusto kitang ayaen mag kape. I need company. Basically, gusto kita, diba yun ang ibig sabihin noon? Pero hindi ko iyon nagawa. Kasi ano? Kasi hindi ko alam. 


Andali sabihin sa totoo lang. "tara, kape?".


But I really meant, malungkot ako. Malungkot ako kasi I wish you to be by myside, tapos iinom tayo ng kape. And I would imagine, everythings going to be fine. 

Di ako okay. Di ko pa kaya mag mahal. Di pa kaya ng aking budget. Pero keri pa mag kape. Tara kape?


Simpleng "tara, kape?" Shuta di ko talaga kayang sabihin. I wish we were not just after the kape. Neither the place. But I am after the comfort of your presence. 


Tara kape? You can tell me bakit ka naiyak kamakailan? Bakit durog ka inside? And can you ask me the same? Why cant you just ask me instead. Tara, kape? Bakit di mo rin ako tanungen? Kailangan kita, este kailangan ko ng kape. Para magising na. Magising sa katotohanan. Kelangan ko na mag move on. Pero ang hirap ng kalagayan ko. 


Tara, kape tayo. Naiintindihan mo ba ako?Nagpapalpitate nako, kakakape mag isa. Hala sige share me everything. I swear ill try to lighten your burdens. Tell me your fears. Bakit di ka motivated? Tell me bakit ka pagod. Pero kahit pagod din ako. Eto diko pa rin masabi sayo. Kape tayo? 


Tara, kape, tayo and if you're left with nothing to say, you can share your silence with me. 


Masaya ka ba? Just tell me, gusto mo ba mag kape with me?


Tara kahit hindi na ung mamahaling kape. Gusto lang kita kasama. Kape. Pero eto. Magisa ako nagkakape. Now I wind up here instead. Kape. Isusulat ko ito. Kape tayo?


Pero eto. Paano na kita aayaen magkape, kung meron nang nauna mag aya sayo magkape. Pero kape? Baka naman.