4/24/16

Thank you LORD


Ito na yata ang isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko, ng tawagin ako ng boss ko sa kalagitnaan ng trabaho para sabihing Procurement Coordinator na ako. Hindi ko talaga inaasahan ang lahat. Iba kasi talaga ang hiniling ko kay Lord,. Iba ang inaasahan ko. At hinigitan pa niya ang plano ko. Hindi ko inaasahan ang oportunidad na ito. Ang sarap balik balikan ang mga pangyayari kanina. Lahat ng pagod ko, lahat ng insecurities ko, lahat ng iyak ko kakadasal - kakarosaryo nadinig ni Lord. Sobrang pag iigihan ko po Lord, natatakot ako pero gagawin ko ang lahat. Kakayanin ko ang lahat. Salamat.



No comments:

Post a Comment